ni ALex Brosas
TILA nataranta nang husto ang kampo ni Benjie Paras sa mga pasabog ni Jackie Forster.
Mayroong isa sa kampo ng comedian ang nagpayo na tumahimik na lang si Jackie, mag-concentrate na lang sa mga anak niya at puri-purihin na lang sina Andre at Kobe para mapalapit dito.
Obviously, natakot ang kampo ni Benjie na mayroon pang malaking pasasabugin si Jackie kaya naman hindi nila sinagot ang mga allegation ng aktres.
Pero ‘wag na kayong mag-abala pa dahil mukhang mayroon pang kasunod ang pasabog ni Jackie who said, “The more they put me down the more info I might feel the need to share.”
Go, Jackie. Pasabugin mo na ‘yan nang magkaalaman na. Masyado kang inapi kaya ngayon ikaw naman ang gumanti.