Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jolo mananatili pa sa ospital

030715 jolo bong revilla

BAGAMA’T patuloy ang pagbuti ng kondisyon, magtatagal pa sa ospital si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla.

Ayon sa aktres at ina niyang si Cavite Rep. Lani Mercado, mananatili pa rin si Jolo sa Asian Hospital and Medical Center dahil nakakabit pa rin ang chest tube sa bise gobernador hanggang tuluyang ma-drain ang dugo sa sugat.

“The latest Medical Bulletin today. We will be staying longer since the tube is still there to drain blood from his lungs.We appreciate all your prayers,” ang Facebook post ni Mercado.

Kamakalawa ay nakapaglalakad nang muli ang actor/politician sa loob ng hospital room.

Una nang iniulat ng medical chief officer, unti-unti nang nagiging clear ang chest tube at 120 ml na dugo na lamang ang na-drain sa nakalipas na 24 oras.

Nitong Sabado isinugod sa nasabing ospital si Jolo makaraan mabaril ang sarili.

Sa March 15 ipagdiriwang ni Jolo ang kanyang ika-27 kaarawan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …