Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isabelle, may ibubuga nga ba sa acting?!

ni Pilar Mateo

030715 isabelle miles

SIBLING rivalry! Isabelle Daza teams up with Miles Ocampo sa episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya)na matutunghayan ngayong Sabado (March 7) sa ABS-CBN.

Ang kauna-unahang MMK ni Isabelle ay tungkol sa magkapatid na Myra (Isabelle) at Thelma (Miles) na ang samahan ay magkakalamat habang lumalaki dahil sa mga kinimkim na galit at selosan sa atensiyong ibinibigay ng kanilang mga magulang. Ngunit magbabago ang lahat nang ma-diagnose si Myra na may malubhang sakit sa bato.

Paano mapagtatanto ng magkapatid na sa kabila ng lahat ay mahal nila ang isa’t isa? Hanggang saan ang kayang isakripisyo ni Thelma para pahabain ang buhay ng pinakamamahal niyang kapatid?

Tampok din sa MMK episode sina Belle Mariano, Althea Guanzon, Snooky Serna, Allan Paule, Ryan Ramos, John Servilla, Raquel Montesa, Nathan Lopez, at Bea Basa. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Jerry Lopez-Sineneng at panulat ni Ruel Montañez. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Filipino saan man sa mundo angMaalaala Mo Kaya na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kuwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Minsan nang nasubukan sa pelikula na may ibubuga sa akting si Isabelle. At sa bagong tahanan niya sa Kapamilya, bukod sa hosting jobs ay sinisimulan na ring bigyang-pansin ang kakayahan nito sa mga drama sa telebisyon.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …