Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gabby, mas type si Jake dahil marespeto raw

030715 gabby jake andi

00 fact sheet reggeeHINDI pa pala nakararating ng bansang Korea si Gabby Eigenmann kasama ang pamilya at ito nga raw sana ang next destination nila ngayong summer kaso nagkaroon siya ng TV project sa GMA 7, ang Pari Koy at Insta Dad.

“Taon-taon kasi we travel with my family at si Andi (Eigenmann) kasama si Ellie, eh kaso may project, so hindi kami matutuloy this summer. Bakasyon sana ng mga bata sa school,” say ni Gabby nang makatsikahan namin.

Kaya kung hindi magbabago ay sa Nobyembre na lang sila magbabakasyon at nabanggit nga namin ang Korea na biglang naging interesado ang aktor, ”actually, hindi pa kami nakakapunta, okay ba roon, maganda?” say ni Gabby.

Nagtanong na sa amin si Gabby at kung saan kami tumira dahil gusto nga raw niya na sa bahay lang sila dahil marami sila at mahal sa hotel.

“Nasanay kasi kami na five days lang at sa sinabi mong 8 days kayo, gusto ko ‘yan and you cook your own food, that’s nice, makakatipid,” nakangiting sabi ni Gabby sabay sabi sa asawang si Apple na mag-check na ng promo fair at bahay na titirhan nila sa nasabing bansa.

Speaking of Andi, tinanong namin kung talagang sumasama siya sa kuya Gabby niya kapag nagbabakasyon sa ibang bansa, ”ngayon lang, gusto raw niya, eh, ‘di sabi ko, okay, ako naman everybody’s welcome at saka ako kasi ang kuya ng lahat, so talagang they’ll come to me.”

Sa madaling salita, nagbibigay din si Gabby ng advice sa mga pinsan niya, ”ay madalas, parati, now kung ayaw nilang sundin, bahala sila, ako naman nagbibigay lang. ‘Yun lang naman ang puwede kong itulong, at saka malalaki na sila, alam na nila ang tama at mali,” kuwento ng aktor.

Inamin din naman ng kontrabida ni Dingdong Dantes na minsan naiinis siya kapag hindi siya sinusunod lalo na kung humihingi naman sa kanya ng payo, ”hindi maiiwasan na maiinis ka, pero nandiriyan na ‘yan, at the end of the day, sila rin naman ang may final say. Basta ako, nandito lang bilang kuya nila,” pahayag pa ng aktor.

At dahil si Andi ang topic ay natanong namin ang bagong lumutang na isyung si Jake Ejercito na raw ang tatay ni Ellie at hindi si Albie Casino.

“To tell you honestly, hindi namin napag-uusapan o hindi kami nagtatanong, at saka does it matter pa ba after all this years? Hindi naman nanghingi si Andi ng sustento kay Albie, so, bakit siya nagsasalita.

“Kaming pamilya ang nagsabing huwag ng ipa-DNA, para saan pa, eh, hindi nga niya in-admit? Ang akin lang, spare the kid, manahimik na lang lahat, walang muwang ‘yung bata,” seryosong pahayag ni Gabby.

Si Jake raw ang tatay, muli naming tanong kay Gabby.

“Hindi napag-uusapan ng pamilya at wala kaming planong magtanong at masaya kami for Andi and Ellie now,” mabilis na sagot ng aktor.

Samantala, tinanong namin si Bret Jackson na isa rin sa nali-lin kay Andi pero mabilis kaming sinagot ni Gabby ng, ”no further explanation needed.”

Kaya sa tono ni Gabby ay halatang hindi niya type ang bagong boylet ni Andi. Pero si Jake ay biglang umaliwalas ang mukha ng aktor.

”Si Jake, okay sa akin. You know why? Because may respeto ‘yung tao, mabait. Mas ano siya…alam niya kung saan siya. He would go out of his way to greet us, to show himself. Maganda ‘yung upbringing sa kanya. Matinong tao. I have no ill words to say.”

Ipinakilala na raw ni Andi si Bret sa kanilang pamilya.

“Alam naman niya. But then again, it will always be her decision, kung saan siya masaya,” diretsong sabi ni Gabby.
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …