NATATAWA kami kay Edu Manzano nang tanungin siya na sa 26 years niya sa showbiz at nakailang TV network na siya at sa ABS-CBN pa rin pala ang bagsak niya matapos iwan ilang taon na ang nakararaan.
Pero mas nakilala si Edu bilang TV host sa Kapamilya Network kaya noong lumipat siya sa TV5 ay hosting job din ang ibinigay sa kanya pero hindi naman nagtagal lahat ng programa niya.
Nabanggit dati ng aktor na ayaw na muna niyang mag-serye dahil natatagalan siya sa tapings at paghihintay pero nang ialok sa kanya ang Bridges of Love na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Maja Salvador, at Jericho Rosales ay tinanggap niya.
“Eto ang pinaka-interesting na project na in-offer sa akin, so it was ano, exciting, eh. At saka, iba ang story ng ‘Bridges of Love’, tingnan n’yo habang nade-develop.
”As you know, mayroon din akong mga restaurant na mga negosyo. I think now, at this stage of my career, I have the luxury of choosing the roles. So, depende kung may magandang role, bakit hindi?” katwiran ni Edu.
At nabanggit ng aktor na maski raw saang network siya nakarating ay nananatili siyang Kapamilya dahil nasa ABS-CBN daw ang anak niyang si Luis Manzano na sobrang inaalagaan ng network kaya nagpapasalamat siya.
Natanong ang aktor kung tuloy na ba si Luis sa 2016 elections.
“I think, he decided na hindi. Kasi, it’s hard also na you run for elected office and then, nakikita ka araw-araw sa telebisyon. Especially if you’re local government, mahirap ang local government, pisikal, kailangang nandoroon ka para sa kanila,” pahayag ni Edu.
Eh, si Batangas Governor Vilma Santos-Recto naman ay balitang kakandidato sa mataas na posisyon, agree ba si Edu?
“She’s entitled to do anything she wants, you know, but also at the same time, these are very sensitive times, you know, lalo na ‘yung 2016, I think, we should take our vote very seriously.
“Kung itutuloy ‘yung mga sabihin na nating tagumpay ng administrasyong ito or do we go back to where we were many many years ago.
“So, ako, I take my vote very seriously, and I hope, the same will go for the whole of the electorate.”
Susuportahan ba ni Edu si Vi?
“I would like to see kung ano ang magiging plataporma niya, you know, gusto kong makita kung sino ang mga magiging kasama niya. That’s why I’m saying ganoon kaimportante sa akin ‘yung boto ko.
“I’m not saying she doesn’t deserve it, pero latagan mo ako kung ano ang vision mo at plataporma mo,” katwiran ng aktor.
ni Reggee Bonoan