KASABAY ng pagpasok ng buwan ng Marso ay ang paghahanda ng mga tao sa panahon ng tag-init. At siyempre, sa bakasyon din ng mga eskuwelahan.
Tutok lang sa programa ng GMA News TV na Gandang Ricky Reyes Todo Na Tohdahil maraming lugar na irerekomenda kung saan ang mga bakasyonistang mag-aanak, magkakaibigan, at magkakasama sa trabaho’y maaaring magliwaliw at makapagpahinga. Mga lugar ng recreation na sariwa ang hangin, maraming paglilibangan at paglalaruan ang mga bata, malalaking swimming pool at maraming kainang kaya ng bulsa ang mga putaheng inihahain.
Tuwang-tuwa ang mga batang pasyente sa CHILDHAUS nang dalhin sila ni Mader Ricky Reyes sa Golden Sunset Resort, Spa and Hotel sa Barangay Uno, Calatagan, Batangas. Nakunan ng GRR TNT kamera ang dalawang araw na bakasyon ng mga batang pansamantalang nalimutan ang malulubhang sakit na taglay.
Magbibigay din ng payo ang beauty guru sa akmang kasuotan (damit, footwear at accessory) para sa summer. Dadalhin din niya tayo sa isang palamigang ang mabibili’y mga inuming masustansiya mula sa katas ng mga prutas na local at imported.
Dahil maraming magagandang lugar sa Pilipinas, bakit pa tayo darayo sa ibang bansa para magbakasyon? ”Tangkilikin ang sariling atin. Bago tayo lumipad sa Hong Kong, Japan, Macao, USA, atbp. Ligirin muna natin ang mga tourist spot dito sa atin,” sabi ni Mader.
Ang GRR TNT ay prodyus ng ScritptoVision Enterprise at ipinalalabas tuwing Sabado, 9:00-10:00 a.m.. Lagi itong inaabangan ng mga manonood dahil laging may napapanahong isyu at espesyal na pagtatanghal.