SA ikatlong pagkakataon ay may repeat ang concert nina Kuh Ledesma, Music & Magic, at Jack Salud. Muli tayong dadalhin ng Pop Diva sa nakaraan via sa repeat ng kanilang concert na pinamagatang The Music of The Heart, The Magic of Love sa March 7, 2015, 8 pm sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino.
Ang kasamahang banda ni Kuh na Music & Magic ay ki-nabibilangan ng original members na sina Jet Montelibano, Fe Delos Reyes, Eva Caparas, Toto Gentica, Hector Pedero, Butch Elizalde at Nonoy Mendoza. Kasama rin ang ikalawang henerasyon ng mga miyembro na sina Bobby Taylo, Vicky Sevilla-Pangilinan at Jeannette Casuga-Trevias.
Muling nagkasama ang grupo noong nakaraang taon sa kanilang unang konsiyerto noong Oktubre, at muli noong Pebrero, sa araw ng mga puso na ginanap sa Music Museum.
Sa naunang dalawang concert, pinangunahan ni Kuh ang gabi sa pagbibigay niya ng mga awiting klasiko tulad ng When I Fall in Love, The Nearness of You, at All The Things You Are. ‘Tapos ay sinunod niya ang kanyang sariling awitin na Till I Met You. Kalaunan, si Kuh ay sinamahan ng kanyang mga ka-banda na nagbigay ng naka-kagising na pagtatanghal ng mga awitin na nagpasikat sa banda noong 80’s tulad ng If My Friends Could See Me Now, How Deep Is Your Love, I Can’t Help Myself (Sugar Pie, Honey Bunch), I’ll Be There, Ain’t No Mountain High Enough, Sweet Inspiration, at ang Broadway hit na, Don’t Cry For Me Argentina.
Sa naunang dalawang concert nila, pinatunayan ni Kuh kung bakit siya pa rin ang tinaguriang Pop Diva sa loob ng 30 taon sa music industry. Ina-wit niya rin ang mga contemporary pop hits nang malinis at maganda, na ikinamangha ng mga manonood. Kinanta rin ni Kuh ang mga tugtugin na popular ngayon sa mga istasyon ng radio, tulad ng All of Me ni John Legend.
Samantala, hindi naging hadlang ang pagiging classical singer ni Jack nang umakyat sa entablado at samahan si Kuh. Inawit nila ang The Prayer, Ikaw, at Endless Love. Binigyan din si Jack ng pagkakataon na kumanta ng solo at inawit niya ang Nessum Dorma mula sa opera na Turandot na orihinal na kinanta ng pumanaw na si Luciano Pavarotti.
At dahil naging matagumpay ang nasabing mga konsiyerto, may repeat ito ikatlong pagkaka-taon sa March 7 sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino. Ito’y magiging gabi ng musikang mahirap makalimutan, at pagbibigay pugay sa pagkakaibigan at pag-ibig.
For inquiries sa tickets at iba pang detalye, tumawag lamang sa telepono bilang 531-0688 o 0917-8139065/62.
ni Nonie V. Nicasio