Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Singer/businesswoman na si Claire Dela Fuente ninakawan ng kanyang personal cook

030615 Claire cook

00 vongga chika peterLIKAS na mabait si Claire dela Fuente lalo na sa mga kasambahay at mga empleyado sa kanyang resto na Claire Dela Fuente Seafood and Grill na may tatlong branch sa Macapagal Avenue, Mall of Asia at Tiendesitas. Pero sa kabila ng kabaitan na iyon ng singer/businesswoman ay nagawa pa ng personal cook niya sa kanyang restaurant na si Helen Roque-Toremoro na siya ay pagnakawan ng halagang 35K. Sa galit ni Ms. Claire ini-post niya sa kanyang Facebook account ang larawan ng dekwaterang cook. Tinawagan rin namin ang singer talent manager, para siya na mismo ang magkuwento sa nangyaring nakawan. Ayon kay Claire, bukod raw sa tagapagluto niya sa pag-aaring resto, si Helen ay collector din niya, sa araw-araw na kita ng dinudumog na restaurant sa nasabing lugar. Halata raw na planado na ng kanyang kasambahay ang pagnanakaw kasi nagpaalam na magsi-CR lang pero napanot na sa kahihintay sa kanya ang dri-ver ni Claire ay hindi na bumalik pa. Para sa Jukebox Diva, maliit na halaga lang kung tutuusin ang nadekwat sa kanyang 35K kaya hangga’t maaari ayaw na sana niyang gawan pa ito ng legal action. Kaso baka pamarisan pa siya ng iba, kaya nagdesisyon na si Ms. Claire na kasuhan at magbigay ng pabuyang 20K sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng malasadong cook. Gusto sana ng Viva Recording Artist, na gawing 35K ang ibibibigay na gantimpala na katapat ng perang nanakaw nga sa kanya pero kami na mismo ang nag-suggest na babaan niya ito kaya naging 20,000 na lang na malaki-laki pa rin para sa sinumang makapagbibigay ng detalyadong impormasyon, na pwede niyong i-text o itawag agad sa aming Cellphone nos. 0916-3082273 at amin ipararating kay Claire.

Huwag pamarisan ang malasadong cook, gyud!

“Bridges of Love,” pinakabagong powerhouse drama ng ABS-CBN na kaabang-abang

Masidhing kuwento tungkol sa pag-ibig, pagkatao, at pamilya ang ibabahagi ng pinakabagong powerhouse drama offering ng ABS-CBN na “Brid-ges of Love.” Tinaguriang “story like no other,” ang “Bridges of Love” ay magtatampok sa malalim na ugnayan ng magkapatid na sina Gael (gagampanan ni Jericho Rosales) at JR (ga-gampanan ni Paulo Avelino), na pagbubuklurin ng pangako nila sa isa’t isa, paglalayuin ng isang malagim na trahedya, ngunit pag-uugnayin ng iisang babae. Pinaghiwalay man ng mga pagkakasala at galit sa nakaraan, muling pag-uugnayin ng kasalukuyan sina Gael at Carlos sa pamamagitan ng pag-ibig sa iisang babae na si Mia (gagampanan ni Maja Salvador), isang club dancer na magiging “greatest love” ni Gael at bubuo sa nawasak na puso ni Carlos. Paano susu-bukin ng pagmamahal ang minsan nang nasirang relasyon ng magkapatid na sina Gael at Carlos? Sa huli, mapag-uugnay ba sila ng pag-ibig o tuluyan na sila nitong paghihiwalayin? Bukod kina Gael, Carlos, at Mia, matutuklasan rin ng mga manonood ang misteryo sa buhay ng mayamang negos-yante na kukupkop kay Carlos na si Lorenzo Antonio (gagampanan ni Edu Manzano), at ng makapangyarihang socialite na si Ale-xa Meyers (gagampanan ni Carmina Villarroel), na nananabik hilumin ang pusong sinugatan ng lalaking labis niyang minahal at pinagkatiwalaan. Ang “Bridges of Love” ay sa ilalim ng direksyon nina Dado Lumibao, Will Fredo, at Richard Somes. Ito ay likha ng Star Creatives production, ang grupong naghatid sa primetime TV hits kabilang ang “Princess and I,” “Got to Believe,” “The Legal Wife,” at “Forevermore.” Ita-tampok rin sa upcoming powerhouse drama offering ng ABS-CBN sina Antoinette Taus, Max Eigenmann, Maureen Mauricio, Lito Pimentel, John Manalo, Janus del Prado, William Lorenzo, Joross Gamboa, at Malou de Guzman.

Huwag palampasin ang pinakabagong po-werhouse drama offering ng ABS-CBN, “Bridges of Love,” na magsisimula na ngayong Marso sa Primetime Bida. Para sa exclusive updates, mag-log on to Twitter.com /StarCreativesTV at Instagram.com/StarCreatives_TV.

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …