Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian, malaki raw ang respeto kay Dingdong (Kaya ayaw patulan ang isyung naging two-timer ito…)

ni Roldan Castro

081214 marian rivera dingdong dantes

PAREHONG may asawa na sina Dingdong Dantes at Karylle pero iniintriga pa rin at mukhang hindi pa nakamo-move-on sa dalawa. Isinasangkot ang pangalan ni Dong sa pag-amin ni Karylle sa It’s Showtime na minsan ay nag-two time ang ex-boyfriend niya.

Bagamat wala namang binabanggit si Karylle na pangalan, nakakaladkad si Dingdong dahil ito ang bukas na aklat na naging nobyo niya.

Noong maghiwalay sina Dingdong at Karylle ay si Marian Rivera na ang kasunod na naging girlfriend ni Dong at napangasawa. Ano ang reaksiyon ni Marian sa rebelasyon ni Karylle?

Ayaw niyang patulan dahil wala namang name na binanggit. Si Dingdong lang daw ba ang naging ex ni Karylle?

Tinanong si Yan kung ano ang magiging reaksiyon niya kung sakaling si Dingdong nga ang tinutukoy? Ayaw niyang sagutin dahil ayaw niyang masabihang assuming at defensive.

Basta ang deklarasyon lang ni Marian mahal niya ang asawa niya, malaki ang respeto niya kay Dong.

Bukod dito, may kanya-kanya na silang buhay at pamilya kaya sana happy na lang ang bawat isa.

Pak!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …