Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nash, gumanda na ang boses; Alexa, lalong gumanda

011215 Nash Alexa

00 fact sheet reggeeNAPANOOD namin ang guesting ng Bagito cast sa Gandang Gabi Vice noong Linggo na pinangunahan nina Nash Aguas at Alexa Ilacad kasama ang grupong Gimme 5.

Noong huli naming mapanood si Nash sa programa ni Vice ay kumanta ito at talagang napaigtad kami dahil hindi namin mawari ang boses kung paos o nagbibinata lang.

Kaya sabi namin na mas magandang sumayaw na lang siya kaysa kumanta na kaagad naman kaming pinagsabihan ng taga-GGV ng, “patulan ba ang bata?”

Pero nitong nakaraang guesting ni Nash ay ang laki na ng ipinagbago niya dahil nasa tono at buo na ang boses lalo na nang tumugtog siya ng gitara at sinabayan siyang kumanta ni Alexa.

In fairness Ateng Maricris, ang ganda ng boses ni Alexa at ang ganda-ganda niya, huh as in. Dati kasi hindi namin masyadong napapansin ang bagets na pakiwari namin ay one of those Goin’ Bulilit girls lang.

Pero nitong nagka-Bagito sila ni Nash ay malaki ang ipinagbago ng dalawa, nakaka-guwapo at nakakaganda ba talaga kapag may sarili kang teleserye?

Ang lakas ng appeal nina Nash at Alexa, naalala tuloy namin noon sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na pawang patpatin sa seryeng Princess and I pero ngayon ay binatang-binata at dalagang-dalaga na sila.

In fairness bagay talaga ang dalawang Bagito stars at sana nga huwag silang magmadali kung anuman ang nararamdaman nila sa isa’t isa.

Naniniwala kami na ilang taon lang ay mararating na ng NLEX ang narating ng KathNiel.

Samantala, ilang linggo na lang at matatapos na ang Bagito at ang iisang tanong ng netizens, kanino mapupunta si Albie? Kay Andrew na siyang nag-alaga maski hindi niya tunay na anak o sa tunay na ama na wala man lang naging kontribusyon sa pag-aalaga?

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …