Monday , December 23 2024

Trillanes: Ospital ibalik sa poder ng Health Dep’t

FRONTHIGIT 20 taon mula nang ipatupad ang devolution ng pangangasiwa ng mga ospital at sistemang pangkalusugan sa bansa, inihain ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang Senate Bill No. (SBN) 2577 na naglalayong ibalik sa national government, sa pamamagitan ng Department of Health, ang operasyon at pangangasiwa nito na kasalukuyang nasa ilalim ng lokal na pamahalaan.

Sabi ni Trillanes, “Isa sa mga pagbabagong sinimulan ng Local Government Code ang devolution ng sistemang pangkalusugan, na nakabatay sa paniniwalang mas batid ng mga lider ng mga lokal na pamahalaan kung saan mas higit kailangan ang serbisyong ito at paano ito bibigyang prayoridad. Ngunit, matapos ang ilang taon ng implementasyon, napagalaman na ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan ay patuloy na bumababa sa maraming bahagi ng bansa.

Ilan sa mga kadahilanang tinukoy ni Trillanes ay ang mababang prioridad na ibinibigay ng lokal na pamahalaan sa mga isyung pangkalusugan, ang korupsyon sa sistema ng pagbili ng mga gamot, at ang hindi pagbibigay ng sapat na benepisyo sa health workers, na sinasabing dulot ng kawalang kakayahan ng maraming lokal na pamahalaan na sagutin ang gastos ng pagpapanatili ng operasyon ng mga ospital at pagbibigay ng sapat na sahod at mga benepisyo sa mga manggagawa nito, ayon kay Trillanes.

Sa ilalim ng SBN 2577, ang mga serbisyo at pasilidad pangkalusugan na kasalukuyang nasa ilalim ng pamahalaang lokal ay ibabalik muli sa pangangasiwa ng national government sa pamamagitan ng DOH, na magpapawalang-bisa sa ilang probisyon ng Local Government Code. Sa pagpapatupad sa panukalang ito, ang mga “re-nationalized” na ospital at Rural Health Units/Centers ay papayagang gamitin ang kanilang kita upang isaayos ang kanilang pasilidad at mga serbisyo, batay sa kanilang ipaaaprubang supporting financial and work plans sa DOH.

“Sa pamamagitan ng panukalang ito, inaasahan nating matutulungan natin ang mga lokal na pamahalaan mula sa problemang pinansiyal sa pagpapanatili ng kanilang sistemang pangkalusugan, habang iniaangat natin ang kalidad pangkalusugan sa buong bansa,” paliwanag ni Trillanes.  

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *