Tuesday , December 24 2024

‘Silent auction’, isinagawa sa real estate property ni Mang Pidol,

 ni Ronnie Carrasco III

030215 dolphy

DAHIL napilitang kanselahin ng pamilya Quizon ang kasado na sanang auction ng mga real estate property ng yumaong King of Comedy na si Dolphy last January 31, “silent auction” ang ginagawa ng mga naulilang kaanak.

Supposedly to take place at the Dolphy Theatre sa compound ng ABS-CBN, hindi nakarating ang mga nagkompirmang makikilahok sa bidding.

Ayon kay Epi Quizon, tila hindi pa raw handa ang bansa sa pag-o-auction ng mga lupa (kung sabagay, a prospective buyer would insist on tripping para makita mismo ang ari-ariang nais niyang bilhin).

MGA NAIPUNDAR NA LUPAIN, NAKALULULA SA RAMI

Nakalulula pala ang bilang ng mga naipundar ng yumaong komedyante. Sa bandang norte, mayroon siya sa Balagtas, Bulacan at sa Baguio City. Sa bandang south, nariyan ang mga lupa niya sa Laguna, Cavite, at Batangas. On the eastside, may Antipolo, Rizal. Ang pinakamalayo ay sa Samar.

But of those properties, on hold muna sa ngayon ang beach front na matatagpuan sa Lian, Batangas. Ayon kay Epi, may senyales o pahiwatig daw ang kanyang ama na at saka na lang ibenta ‘yon, ”Pero kung may magbi-bid at maganda naman ang offer, why not?”

For the record, hindi kasama sa listahan ang tahanan nina Dolphy at Zsa Zsa Padilla sa Marina sa Roxas Blvd. sa Pasay City. Bukod kasi na nasa pangalan ito ng singer-actress, mayroon din itong sentimental value.

PAGBEBENTA NG MGA NAIPUNDAR, MAY BASBAS

Earlier, nilinaw na ni Eric Quizon—ang tumatayong administrador ng pamilya—na may basbas mula sa kanilang ama ang pagbebenta ng mga naipundar nito. Ang ilang milyong pisong nagastos nila sa pagkakasakit ng Quizon patriarch until he passed away in July 2012 ay nakalumpo ng kanilang financial standing.

Ang malilikom din mula sa pagbebentahan ng mga ari-ariang ‘yon ay para tustusan ang mga proyekto in honor of Dolphy including the Laughter Museum at Dolphy Aid para sa Pinoy Foundation.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *