Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meg, muntik nang ligawan ni JC, naudlot lang

ni ROLDAN CASTRO

030215 meg JC

LITAW na litaw na ang chemistry nina Meg Imperial at JM De Guzman noong mapanood namin sila sa Ipaglaban Mo at sa DearMOR sa Iwantv via * ABS-CBN Mobile. Mukhang bagay ang dalawa na pagsamahin sa isang teleserye.

Bagamat may JM na nali-link sa kanya, hindi pa rin nawawala at nababanggit pa rin si JC De Vera kahit matagal nang tapos ang show nila.

“Siguro nadadala lang ‘yung tao roon sa character namin sa ‘Moon of Desire’ na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakaka-get over. Pero JC and I are friends. Ang alam ko parang umamin siya with LJ (Reyes), ‘di ba?”

Ano ang reaksiyon niya na may LJ si JC na idine-date?

“Ay naririnig ko na ‘yan before sa mga kaibigan niya. Masaya ako para kay JC,” sambit pa ng dalaga.

“Hindi na bago para sa akin,” sey pa niya.

So, may alam na siya noong magkasama sila sa MOD?

“Dating. May something, ganoon. Naririnig ko lang pero walang confirmation,” pakli ni Meg.

Hindi sila na-develop ni JC noong magkasama sila dahil may LJ nang nali-link noon pa man sa actor.

Sa ngayon abala si Meg sa pelikulang Ex with Benefits at may isa pa siyang movie na gagawin sa Viva.

Bagamat may kontrata sa ABS-CBN si Meg, wala ba siyang takot na maraming baguhan ang nabibigyan din ng break?

“Of course, nandoon ‘yung worry kasi siyempre, hindi ka pabata. Maraming sumusulpot na mas bata sa ‘yo but I’m still hoping na kahit ganoon, makita pa rin nila na puwede pa rin.”

Ano ang advantage niya sa mga young star na palaban din at pa-sexy?

“Hayun, I started young noong medyo nagpa-sexy ng kaunti. Siguro ‘yung iba more on pa-demure or ‘yung characters nila ay wholesome, so, bibihira pa rin ‘yun.

“To think na marami na rin ngayon ang nag-aasawa at ikinakasal,” aniya.

Pak!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …