Sunday , December 22 2024

1 patay, 13 bahay natupok sa Kyusi

fireWALA nang buhay nang ma-tagpuan ang isang lalaki makaraan makulong sa nasunog na 13 barong-barong sa Murphy Market sa Camarilla Street, Brgy. San Roque, Cubao, Quezon City.

Ayon kay QC Fire Marshal Supt. Jesus Fernandez, unang naiulat na nawawala ang la-sing na lalaki na kinilalang si Roberto Salvador, 50, Sabado ng gabi, hanggang sa matagpuan na lamang siyang kasamang natupok sa sunog.

Sumiklab ang sunog dakong 3:40 a.m. nitong Linggo at umabot sa ikalawang alarma bago tuluyang naapula dakong 5:12 a.m.

Nag-umpisa ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Soledad Fajardo at nadamay ang 12 pang katabing bahay.

Tinatayang P100,000 halaga ng ari-arian ang naabo habang aabot sa 26 pamilya ang apektado ng sunog.

Iniimbestigahan na kung sinadya ang pagsunog sa mga bahay at isang suspek na ang hawak ng awtoridad.

Jethro Sinocruz

Bodega ng pintura sa Araneta Ave. 35 oras nasunog

MAKARAAN ang 35 oras, nakontrol na ang sunog na sumik-lab sa pitong palapag na gusali sa Araneta Avenue, Brgy. Tatalon, Quezon City.

Dakong 12:15 a.m. nitong Sabado nang sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng Gateway 2000 Development Corporation building, na pinag-iimbakan ng mga thinner at pintura.

Dakong 11 a.m. nitong  Linggo lamang nang ideklarang under control na ang apoy.

Halos sumuko na ang mga bpmbero sa pag-apula sa apoy dahil sa kabila ng pagbuga ng tubig simula kamakalawa, patuloy sa paglakas ang apoy. Mula nitong Sabado, nanatili ito sa Task Force Bravo na alarma.

Pahirapang apulain ang apoy dahil sa flammable chemicals at materials sa gusali at kinailangan pang maghalo ng kemikal na aqueous film forming foams (AFFF) sa tubig para mapababa ang temperatura ng gusali at patuloy na subukang mapatay ang apoy.

Kaya ayon kay QC Fire Marshal Supt. Jesus Fernandez, hinintay na lamang nilang matupok ang mga gamit bagama’t tiniyak na hindi na kakalat pa ang sunog.

Pinagbawalan ding umakyat ang mga bombero sa gusali dahil lumundo ang sahig sa tindi ng init.

Ilang oras ding isinara ang magkabilang lane ng Araneta Avenue mula sa bahagi ng Victory dahil sa ilang truck ng Bureau of Fire Protection na nakapuwesto sa lugar.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *