Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Website ni Kris, inuulan na ng ads inquiry

 

020315 kris aquino

00 fact sheet reggeeBISI-BISIHAN ngayon si Kris Aquino sa website niyang withlovekrisaquino.com. dahil marami raw nag-inquire sa kanya kung paano mag-post ng ads at nang malaman niya kung magkano ang bayad ay talagang kinakarir na niyang magsulat araw-araw.

Bukod kasi sa pagbabasa ay mahilig ding magsulat si Kris ng kung ano-anong nangyayari sa buhay niya at marami pang iba.

Effective endorser daw kasi ang TV host kaya maraming gustong maglagay ng ads sa website niya.

Base raw kasi sa survey na lahat ng sinasabi niyang produkto o lugar sa programa niyang Kris TV ay nagiging mabenta katulad nitong huling bakasyon niya sa Japan na panay ang kuwento kung gaano kasarap ang mga pagkain, ang magagandang ugali ng mga tao roon na sobrang puring-puri ni Kris at ang klima.

“Heto na Reggee, I was informed by a travel agency na wala na raw mabiling ticket for April and May going to Japan, ha, ha, ha, ha. Kababanggit ko raw ng Japan, hayun ang daming nagpa-book, kaya ikaw Reggee since mahilig kayo mag-travel, you try to visit Japan, itapat mo na lang ng October or November kasi nagpapalit ang kulay ng mga bulaklak and it’s so nice talaga,” payo sa amin.

Oo nga, nag-trending nga kaagad ang pasabog niyang ‘the statement of my hear’ under blog love na talagang maraming nagulat dahil ibinuking na niya lahat kung paano nagsimula at nagtapos ang relasyon nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Under blog love pa rin ay muling nag-post ni Kris noong Miyerkoles na may titulong Dedmabels na sinabi sa amin at nang tanungin namin kung tungkol saan ay sinagot kaagad kami ng, “basahin mo!” oo nga naman, he, he, he.

At ang nilalaman ng dedmabels blog ay hinihimok palang kumandito si Kris sa 2016.

“I was wondering why I was getting texts from different, varied people urging me to hurry up and switch my voting address to Tarlac, sabi ko wala naman akong property doon, I live in QC, bought another home here in QC, and we have a sizable property in an Ayala development in Silang, Cavite that I bought as investment for my 2 sons. I have sold all the 4 condominium units we owned (the 2 we lived in, and the 2 in Rockwell we were renting out) in Makati and should actually be going to Comelec QC soon for my transfer of registration record.

“Then I was sent the link to INQUIRER.NET (http://newsinfo.inquirer.net/675072/tingting-cojuangco-on-kris-running-for-governor-id-leave-the-country) and I understood what those texts were meant to convey!

“OMG, na super LAUGH TRIP ako! Now I know why even the Superstar, Ate Guy on the Buzz last Sunday was asking me if I was running in 2016….”

Sa nasabing blogsite ni Kris ay maraming tips na malalaman sa lahat ng bagay kaya make it a habit to read withlovekrisaquino.com/blog.

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …