Kung napaiba-iba, baka bumigay na dahil sa mga nakaririnding kaganapan sa kanyang private at career lives. Ikaw ba naman ang mawalan ng utol, ermats at erpats nang magkakasunod, hindi ka ba maririndi kundi man tuluyang mapraning?
But this aging actress is made of sterner stuff.
You could just imagine how traumatic it is to wake up one day divested of the trimmings of wealth that you got used to, along with the sad realization that practically all of your loved ones had already abandoned you to go to the Great Beyond, leaving you practically alone and destitute.
Imagine, her mom was her sole anchor.
Bagama’t hindi naman ito ideal mother na maituturing, ang bond na nag-i-exist sa kanilang dalawa ay tunay namang kakaiba.
Totoo ka, all of her life, she was dependent on her mom for emotional support.
Bagama’t naging rough sailing ang kanyang buhay nang magdalaga na siya dahil sa nawaldas ang kanyang kinita no’ng siya’y bata pa sa mahjong na paboritong libangan ni ermats, hindi pa rin magawang kamuhian ng aktres ang kanyang mudra. No wonder, she was devastated when she passed away a couple of years ago.
Okay na lang sana sa aktres na maagang nawala ang kanyang erpats pero ang last straw nga ay ang kamatayan ng kanyang ina na inakala niyang matagal na panahon pa niyang makakasama.
After her mom’s demise, it was her younger brother’s time to bid her adieu.
Kaya sa ngayon, ulilang lubos na siyang naturingan, save for her grownn-up daughters who are living with her in spite of her shaky financial status.
Pero good karma pa rin ang aktres dahil malaking bagay ang pagkakabilang niya sa isang religious congregation na umaalalay talaga sa kanya in times of financial crisis.
ni Peter Ampoloquio, Jr.