UMABOT na sa P5.664 trilyon ang utang ng Filipinas makaraan tanggapin ni Pangulong Benigno Aquino III ang 50-M euro o P2.5-B loan na inialok ni French President Francois Hollande para ipantustos sa kampanya ng bansa kontra climate change.
Kinompirma kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, tinanggap na ni Pangulong Aquino ang 50-M euro loan mula France bilang pondo para bigyan proteksyon ang mga lugar sa bansa na apektado ng climate change.
Ngunit, ani Valte, wala pang detalye kung anong mga paritkular na proyekto mapupunta ang panibagong P2.5-B loan.
Batay sa ulat ng Bangko SEntral ng Pilipinas (BSP), noong nakaraang taon ay nasa P5.632 trilyon ang outstanding debt ng Filipinas kaya may P56,320 utang ang bawat Filipino base sa populasyon ng bansa na 100 milyon.
Nagtungo si Hollande kahapon sa Guian, Eastern Samar, isa sa mga lugar na sinalanta ng super typhoon Yolanda noong 2013.
ni ROSE NOVENARIO