Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Star Magic coordinator kritikal sa taxi driver/holdaper

022815 taxi thief

KRITIKAL ang kalagayan ng isang program coordinator ng Star Magic ng ABS CBN Channel 2 makaraan holdapin at saksakin ng taxi driver sa Ermita, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Julia Ballesteros, 38-anyos.

Habang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Manila Police District Sta. Cruz Station (PS3) laban sa suspek na driver ng taxi (UVU 342 or 324).

Ayon kay PO3 Allan Andrew Mateo, dakong 7 p.m. nang ideklara ang holdap sa T.M. Kalaw St., Ermita, Maynila.

Nabatid na sumakay ang biktima dakong 6:30 p.m. sa M.Y. Orosa St., Malate, Maynila para magpahatid sa Sampaloc, Maynila.

Ngunit habang binabagtas ang Roxas Blvd., sinabi ng biktima sa suspek na buksan ang bintana ng taxi dahil may naamoy siyang mabaho.

Pero itinigil ng suspek ang taxi sa madilim na lugar ng T.M. Kalaw St., saka nagdeklara ng holdap. Nanlaban ang biktima ngunit sinaksak siya ng suspek.

Pagkaraan ay ibinaba ng suspek ang biktima sa Severino Reyes St., Sta. Cruz, Maynila.

(LEONARD BASILIO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …