Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Riding in tandem sinita, sekyu utas

072814 tandem dead

NAPATAY ang isang security guard makaraan barilin ng isa sa dalawang hindi kilalang lalaking lulan ng motorsiklo na kanyang sinita nang hindi huminto sa main entrance ng subdibisyon sa Muntinlupa City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Antonio Diaz, 39, ng JNB Security Agency, at nakatira sa Lakeview Homes, Putatan, Muntinlupa.

Isinugod ang biktima sa Medical Center Muntinlupa sanhi ng isang tama ng bala sa kanyang katawan at pilit na isinalba ng mga doktor ngunit binawian ng buhay makalipas ang mahigit isang oras.

Naganap ang insidente dakong 1:32 a.m. sa main entrance gate ng Agro Homes Subd., Putatan habang naka-duty ang biktima.

Sa imbestigasyon, kasamang nagbabantay ni Diaz ang ka-buddy na lady guard na si Mardy Chavez, sa naturang lugar nang pumasok sa subdibisyon ang motorsiklong lulan ang dalawang lalaki na ‘di man lamang huminto sa entrance gate.

Sinita sila ni Diaz ngunit biglang bumunot ng baril ang nakaangkas na suspek saka binaril ang guwardiya saka mabilis na tumakas. (MANNY ALCALA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …