NANG dumalaw sa bansa si Papa Francis ay nakatawag ng kanyang pansin ang obra ng isang Pinoy na imbentor na nagtapos ng Engineering sa Universidad ng Pilipinas.
Tutok lang ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m. sa Gandang Ricky Todo Na Toh (GRR TNT) para malaman at makita ang obra maestra ni Ricky Macolor na binasbasan ng dakila at iginagalang na Papa.
Ipapasyal din kayo ni Mader Ricky sa kanyang paraisong Golden Sunset Resort, Hotel and Spa na marami nang pagbabago ang ginawa para sa kasiyahan ng mga turistang lokal at mula sa ibang bansa na nagkakaisa sa pagpuri sa malawak na bakasyunang—winner sa saya at winner sa ganda.
Nakunan ng kamera ng staff ni Mader ang masayang reunion ng isang magkakabarkada na roon ginanap.
Inimbitahan naman ng kanyang kaibigang si Kring Kring ang GRR TNT host-producer sa kanyang pamosong kainan sa Intramuros, Maynila. Ipinagmamalaki ng may-ari ang masasarap na putaheng niluto ng mga bihasang master chef.
Ang lugar na nabanggit ay akma sa mga okasyong tulad ng kasal, binyagan, kaarawan at iba pang espesyal na pagtitipon.
Abangan din ang mga panalong kuwento tungkol na punompuno ng inspirasyon at pag-asa sa buhay. “’Di ako nagsasawang ilahad ang success story ng ilang kababayan natin na tulad ko’y nagmula sa kahirapan, nagsikap, nagtiyaga at nagpawis para maabot ang tagumpay,” sabi ni Reyes.
Huwag kaligtaan na may tsikahan kayo kay Mader RR tuwing Sabado ng umaga.