Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Resolusyon sa Mamasapano Truth Commission inihain na sa Kamara

020315 PNP SAF Le Tour de FilipinasPORMAL nang naghain sa Kamara ang ilang mambabatas para sa pagbubuo ng Fact-Finding Commission kaugnay sa Mamasapano incident.

Iniakda ang House Bill 5462 nina Bayan Muna Party-list Reps. Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate; Gabriela Party-list Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi De Jesus; ACT Teachers Party-list Rep. AntonioTinio; ANAKPAWIS Party-list Rep. Fernando Hicap, at Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon.

“Therefore, an independent and impartial Commission that will ferret out all facts and consider all angles and seek the truth, the whole truth and nothing but the truth is necessary,” giit ng mga mambabatas.

Ipinunto ng mga mambabatas, maraming isyu ang dapat pang liwanagin at maibulgar na tulad ng kung may kinalaman ba talaga ang U.S. sa nangyaring operasyon, ano ang naging papel ni Aquino, ano ang naging kasalanan ng mga namumuno sa PNP, ang posibilidad na paglabag sa karapatang pantao at pagiging panganib nito sa peace process.

Base sa panukala, may isang chairperson at dalawang commissioner ang mamahala sa “Truth Commission” na ang Pangulo ang siyang magtatalaga.

Kugnay nito, tinanong ng HATAW si Rep. Hicap kung posibleng magkaroon ng impartial investigation sa Truth Commission dahil ang Pangulo rin ang magtatalaga sa mga mamumuno nito.

“Constitutional prerogative kasi ng Presidente ang pag-appoint ng mga tao sa commission, ano’t ano man, challenge talaga ito sa Pangulo. Kailangan niyang mag-appoint ng competent, credible at non-partisan commisioners otherwise lalong aalma ang mga mamamayan” paliwanag ni Hicap.

Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …