Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Project ni Juday with Richard, tuloy! (Kahit may tampo ang batang superstar…)


022715 juday Richard Yap

00 fact sheet reggee“TULOY ‘yan (TV project), may mga inaayos lang pero tuloy,” ito ang mensahe sa amin ni Dreamscape Entertainment business unit head, Mr. Deo T. Endrinal kahapon tungkol sa tampo ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN management.

Tinanong kasi namin si sir Deo kung matutuloy ang serye nina Juday at Richard Yap aka Papa Chen/Ser Chief base sa anunsiyo ng Tsinitong aktor sa nakaraang post Chinese New Year celebration niya para sa entertainment press noong Sabado, Pebrero 21 na ginanap sa Wangfu Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Nang mabasa kasi ng taong malapit kay Juday ang anunsiyong ito ni Ser Chief ay tinawagan kami at sabay tanong, “tinanggap na ba ni Juday? Hindi pa nga sila nagkakausap ng ABS kasi may tampo siya.”

Nagulat kami at tinanong namin kung bakit at tungkol saan at sinabi na tungkol daw sa programang Bet On Your Baby.

DAHILAN NG TAMPO NG AKTRES

Kuwento ng taong malapit sa aktres, “si Juday kasi ang kinakausap ng management, dumiretso sa kanya, so walang alam ang manager niyang si tito A (Alfie Lorenzo).

“Noong nagawa niya ang unang season ng ‘Bet On Your Baby’, ang taas ng ratings, kaya sinabihan siya na may season 2, pero siyempre magpapahinga muna kasi magpapa-audition pa ng mga bagets.

“Kaya ‘yung ‘I Do’ reality show muna ang isinunod which is very successful din kaya sinabihan ulit na may 2nd season.”

May season two naman talaga ang I Do ‘di ba Ateng Maricris, kuwento ito ng business unit head ng programa na si Ms Mercy Tolentino-Gonzales, remember? (Yes, at binanggit din iyon sa last presscon ng show—ED).

At dahil matatagalan pa ang airing ng I Do season two dahil may mga babaguhin ay sa 2016 na raw ito eere.

Kaya ipinasok kaagad ang second season ng Bet On Your Baby na napapanood tuwing Sabado at Linggo hanggang sa naging araw-araw na mula Lunes hanggang Biyernes dahil mataas nga raw ang ratings.

Ang iniwang timeslot ng BOYB sa weekends ay napunta sa Home Sweetie Home nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Tuloy na kuwento ng aming kausap, “dito na nagulat si Juday, kasi alam niya weekend lang ang ‘Bet On Your Baby’ kaya once a week lang ang taping, tapos biglang naging weekdays na at naging three (3) times a week na ang tapings, so nasira ang schedule nina Juday at Ryan (Agoncillo) sa pag-aalaga sa mga anak nila, kasi by schedule sila sa paghatid at pagsundo sa school.

“Hindi siya kumibo, so deadma, work lang ang lola mo, alam mo naman ‘yun, hindi kumikibo, mabait na empleado ‘yun, eh. Kung ano ang ipagawa sa kanya, go lang ng go.

“Hanggang sa sinabihan siya na anim na episodes ‘yung ite-tape nila ng isang araw at last taping day na pala ‘yun. Ganoon lang walang kaabog-abog na parang pinutol bigla.”

Hala, walang pasabi na biglang tatapusin na ang BOYB?

“No idea, kasi si Juday ang kausap ng management. Sa pagkakatanda niya wala raw binanggit kung ilang buwan or season, basta sinabing may taping, go naman siya,” kuwento pa.

HINDI PA NAKIKIPAG-USAP ANG AKTRES SA DOS

Kaya sa bagong serye ni Juday kasama si Richard ay hindi pa rin daw nakikipag-usap ang aktres sa management.

“Nabanggit sa kanya na may serye sila ni Ser Chief, pero ayaw makipag-meeting ni Juday kasi masama ang loob niya kaya nakipag-usap siya sa manager niyang si Tito A na siya na ang makikipag-usap sa management.

“All I know, last Friday (February 20) lang nag-usap sina Tito A at Deo (Endrinal) for the TV project of Juday and Richard, hindi pa kompleto ang casting.

“Pinagsabihan nga ni Tito A si Juday kasi nga sa kanya dumidiretso ang ABS, kaya hindi napa-plantsang mabuti ang project, kung nag-stick sila sa kontrata, eh, ‘di siguro walang isyu para ikatampo ni Juday,” pagtatapat sa amin.

Dagdag pa, “kailangang mawala ang sama ng loob ni Juday muna kasi paano naman siya magtatrabaho kung hindi pa siya okay at saka naging loyal naman si Juday sa ABS, sana maayos din ang usapan.

“Sana kung anuman ‘yung verbal na usapan ng management at Juday, sana sundin like ‘yung schedule ng tapings, biglang naiba, eh, may mga dapat ding i-consider si Juday sa personal niyang buhay, hands-on mom siya at siya rin nag-aasikaso kay Ryan (Agoncillo).”

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …