Friday , November 15 2024

PNP-HSS chief sinibak sa pagtakas ni Bong

bong revillaSINIBAK ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang hepe ng Philippine National Police-Headquarters Support Service (PNP-HSS).

Kaugnay ito ng sinasabing pagtakas ni Senador Bong Revilla sa piitan sa PNP Custodial Center para dumalo sa birthday celebration ni Senador Juan Ponce Enrile sa PNP General Hospital noong Pebrero 4.

Sa press conference, Huwebes ng tanghali, inihayag ni Roxas  ang  pagsibak sa ilang opisyal ng PNP-HSS sa pangunguna ng hepe na si Chief Supt. Alberto Supapo. Papalitan si Supano ni Sr. Supt. Elmer Belteja.

Nabatid, imbes na dalhin sa emergency room dahil sa iniindang sakit, sa specialty ward dinala si Revilla, at hiniling na makapunta sa kinaroroonan ni Enrile.

Hinihintay pa ang resulta ng imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa insidente at posibleng masampahan ng kasong kriminal at administratibo ang mga isinasangkot sa naturang lapses.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *