Monday , December 23 2024

BBL ‘di ibabasura ng Senado

BBLTINIYAK ni  Senate President Franklin Drilon, hindi ibabasura ng Senado ang Bangsangmoro Basic Law (BBL) kundi ito ay tatalakayin at iaayon lamang sa nilalaman ng Saligang Batas ang magiging probisyon o nilalaman nito.

Ayon kay Drilon, hindi lamang nila mahahabol ang unang target  na matapos ang pagtalakay rito at maipasa ngayong Marso 18, ang huling araw ng sesyon bago ang adjournment.

Aminado si Drilon, lubhang nakaapekto ang Mamasapano, Maguindanao incident kaya’t naudlot ang pagtalakay rito ng Senate Committee on Local Government na pinamumunuan ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Magugunitang ilang pagdinig na ang idinaos ng komite ni Marcos upang talakayin ang BBL ngunit nahinto nang maganap ang insidente na ikinamatay ng 44 miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF).

Tinukoy ni Drilon, tulad ng pagtitiyak ng mababang kapulungan, sa Hunyo na rin nila matatalakay ang BBL sa pagbabalik ng sesyon.

Binigyang-linaw ni Drilon, hindi maaaring sundin na lamang ng Senado ang inihain o isinubo sa kanilang kopya o sipi ng BBL.

Iginiit niyang bilang mga senador at mamabatas sila ay kinatawan ng taong bayan at hindi ng sino mang ahensiya ng pamahalaan o grupo o organisasyon. 

Niño Aclan/Cynthia Martin

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *