Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3rd party, kinompirmang dahilan ng Bea-Jake break up

012915 Jake vargas Bea Binene

00 SHOWBIZ ms mKINOMPIRMA kahapon ni Bea Binene na 3rd party ang dahilan ng tuluyang paghihiwalay nila ng landas ng boyfriend for 2 yrs and 10 months na si Jake Vargas.

Sa presscon ng Verifit Slimming Capsule na ginanap kahapon sa Tweedle Book Café sa Sct. Gandia, Quezon City (isang pribadong restoran na kilala s akanilang tahimik na ambience na tiyak mag-e-enjoy ang pamilya at mga kaibigan), sinabi ni Bea na desisyon niyang makipag-break na sa actor bagamat masakit para sa kanya.

Aminado naman ang batang aktres na iniyakan niya ang naging desisyon at sa kasalukuyan ay trying to move forward na siya at kalimutan na ang anumang nangyari sa kanila ni Jake.

Civil lang sila sa isa’t isa kapag nagkikita at bahala na raw ang management kung pagsasamahin pa sila sa isang project.

Sinasabing hindi ito ang unang pagkakataong na-involve si Jake sa ibang babae. Kung noo’y pinatatawad siya ni Bea, ngayo’y hindi na at nagdesisyon na ngang tapusin ng batang aktres ang kanilang relasyon.

Isang non-showbiz girl daw ang ipinalit ni Jake kay Bea at sinasabing nahuli ang aktor sa mga post nito ukol sa girl. So, hindi naging maingat si Jake tsk tsk tsk.

Anyway, ang Verifit Slimming Capsule ay naiiba sa mga pampapayat na kapsula dahil marami itong L-Carnitine content—whopping 500mg, kompara a ibang produkto na mayroon lamang 50mg-350mg ng L-Carnitine. Pero ang pinaka-standout na dahilan kung bakit naiiba ang Verifit ay dahil may sangkap pa itong Collagen na nakatutulong para maging firm at tight ang skin. Nadiskubre ring effective appetite suppressant ang Collagen.

Ani Bea, simula nang gumamit siya ng Verifit, napansin niyang nababawasan ang lakas sa pagkain at name-maintain ang desired figure na gusto niya.
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …