Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

16 patay, 35 sugatan sa operasyon vs ASG — AFP

112414 asgZAMBOANGA CITY – Umakyat na sa 16 ang bilang ng mga namatay sa panig ng Abu Sayyaf group (ASG) habang nasa 35 ang napaulat na sugatan sa sagupaan mula pa kamakalawa sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Tanum sa munisipyo ng Patikul sa lalawigan ng Sulu.

Ito ay base sa pinakabagong ulat na inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) habang patuloy ang pagtugis ng mga sundalo sa tumatakas na grupo na nagresulta sa palitan ng putok sa lugar.

Ang sagupaan ay nagdulot din nang pagkamatay ng dalawang Army Scout Rangers at pagkasugat ng 16 iba pang mga kasapi ng 2nd Scout Ranger Battalion at 16th Special Forces Company.

Una rito, sa report ng Joint Task Group (JTG) Sulu, dakong 9:20 a.m. kamakalawa nang maka-enkwentro ng tropa ng 2nd Scout Ranger Battalion at 16th Special Forces Company ang humigit kumulang sa 300 Abu Sayyaf sa ilalim ni ASG Commander Hajan Sawadjaan.

Umabot sa halos tatlong oras ang bakbakan na nagresulta sa malaking bilang ng mga casualty mula sa tropa ng pamahalaan at mga bandidong Abu Sayyaf.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …