Monday , December 23 2024

1 patay, 3 sugatan sa jailbreak sa Sarangani

112514 crime scenePATAY ang isang preso habang sugatan ang tatlong iba pa sa jailbreak sa Malapatan District Jail sa Sarangani nitong Miyerkoles.

Dakong 7:30 p.m. nang agawin ng dalawang trustee prisoner na kinilalang sina Ronald Uppos at Roberto Caratayco ang baril at susi mula kay Jail Officer 1 Sofreme Autor.

Dalawang putok ng baril ang narinig ng mga pulis na naka-estasyon malapit sa kulungan, at nang sila ay magresponde, naabutang nagpapambuno ang jail officer at dalawang preso.

Hanggang magkaputukan at napatay dahil sa tama sa dibdib ang presong si Mod Lakim. Habang kinilala ang tatlong sugatan na sina Jerry Villota, may kasong theft; Jerald Caballes, may kasong carnapping; at Mitchel Macaso, may kasong paglabag sa RA 9165.

Tuluyang nakapuga sina Uppos na may kasong theft, at Caratayco, may kasong attempted rape. Kasama ring nakatakas sina Gerald Lipasana, may kasong carnapping, at Romnick Poster, murder. 

Tumangging magbigay ng pahayag ang warden ng piitan na si Senior Jail Officer 4 Allan Garmino kaugnay sa insidente. Nagpapatuloy ang joint pursuit operation ng Malapatan Police at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *