Monday , December 23 2024

Paglabnaw ng BBL ikinababahala ni PNoy

PNOY EBRAHIMNABABAHALA si Pangulong Benigno Aquino III sa posibleng paglabnaw ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL). 

Ito ang ibinahagi ni Ad Hoc Committee on the BBL Chair Rep. Rufus Rodriguez makaraan ang pulong ng ilang kongresista sa Pangulo sa Malacanang 

Matatandaan, nitong Lunes nang biglaang pulungin ng Pangulo ang mga lider ng Kamara ukol sa BBL at Mamasapano incident.

“He (PNoy) was questioned by one congressman about what about the content, on whether will it be okay if there will be revisions?,” ani Rodriguez.

“The President said, ‘it will also be difficult if there are so many dilutions, if it will be diluted that it may not be effective and will not also be accepted by the MILF,’ the President said that. He’s concerned na ma-diluted talaga ‘yung bill, na-mention din niya ‘yun.”

Sinabi pa aniya ng Pangulo na, “there is no alternative to having peace in Mindanao but the BBL, and if we don’t have a BBL then we go back to war, which has caused billions (damage) and thousands of lives.”

Una nang ibinabala na tatanggalin sa BBL ang mga labag sa Konstitusyon na bahagi nito. Kabilang sa mga nakikitang labag sa batas ni Rodriguez ang ideya ng paglalagay ng auditing body, electoral body at code, at civil service sa Bangsamoro. 

Naniniwala si Rodriguez na iwa-”water up” nila ang panukalang BBL at hindi iwa-waterdown.

“Walang mangyari if we are going to allow these provisions, it will be struck down as unconstitutional. So … we will strengthen the bill by making it’s constitutional. It’s not watering down,” paliwanag ng mambabatas.

“Inspite of the appeal of the President not to water them down, we are going to delete because our oath of office is that we are going to uphold the Constitution of the Republic of the Philippines.”

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *