Saturday , January 4 2025

No brownout sa Pacman-Floyd fight dapat tiyakin

112514 pacquiao mayweaterInihayag ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na dapat tiyakin ng Department of Energy (DoE) na walang magaganap na brownout sa itinakdang laban nina Manny “Pacman” Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., sa Mayo 2.

Ayon kay Recto, posibleng magalit ang mga mamamayan dahil ito ang araw ng pinakahihintay na laban nina Pacquiao at Mayweather.

Binigyang diin ni Recto, dapat gamitin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang emergency powers na hinihingi sa Kongreso para maiwasan ang pagkakaroon ng blackouts ngayong summer na mahigpit ang pangangailangan sa koryente lalo na sa Mayo 2.

“The effectiveness of the emergency powers will be tested on May 2,” diin ni Recto.  

“I think one promissory note we should be asking from the Department of Energy (DOE) is that there will be adequate supply of electricity on the day of the Pacquiao-Mayweather bout,” 

Sakaling hindi mapanood ang laban nina Pacman at Mayweather tiyak maisisisi ito sa gobyerno.

“You have the powers, you will have hundreds of millions of pesos, you have the time, so please see to it that there will be no brownout not only on May 2 but throughout summer,” Dagdag ni Recto.          

Cynthia Martin

About hataw tabloid

Check Also

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

QCPD Gera vs bawal na paputok

Gera vs bawal na paputok, ipatutupad ng QCPD para  sa ligtas na Bagong Taon

MAHIGPIT na ipatutupad ng Quezon City Police District (QCPD), sa pangunguna ni Acting District Director …

Sa Bulacan KOMPISKADONG ILEGAL NA PAPUTOK AT PYROTECHNIC DEVICES ITINAPON

Sa Bulacan  
KOMPISKADONG ILEGAL NA PAPUTOK AT PYROTECHNIC DEVICES ITINAPON

SA PAGSISIKAP na matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang ilegal na paggamit ng …

Chavit Singson e-jeep

Inilunsad na e-jeep ni Manong Chavit pinakamura sa merkado

ISINAPUBLIKO na ni dating Ilocos Sur Governor at businessman Luis “Manong Chavit” Singson ang bersiyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *