Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Darren Espanto, crush ang anak nina Zoren at Carmina

 

ni John Fontanilla

022615 Darren Espanto Cassy legaspi

MALAKI raw ang paghanga ng mahusay na singer na si Darren Espanto sa magandang anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na si Cassy.

Ani Darren, “Crush lang muna kasi bata pa kami at saka na ‘yung love ‘pag malalaki na kami.

“I dedicate the song ‘Count on Me’ sa kanya, na everytime na kailangan niya ng tulong at kaibigan nand’yan lang ako lagi.

Samantala, ibinahagi ni Darren ang sikreto ng pagkakaroon ng magandang boses. “Mag-practice lang araw araw, bawal po ang matatamis ,bawal din ‘yung mani kasi nakakagasgas ng boses.

Balak ding subukan ni Darren ang pag-arte, “Siguro po sa future, alam ko mayroon pong inaayos pero ayoko po munang ikuwento baka kasi hindi pa matuloy.

“’Pag okey na po, at saka ko na lang ikukuwento ‘pag tuloy na tuloy na.

“Pero mas gusto ko munang makilala bilang singer, tapos in the future ita-try ko naman ‘yung acting or Musical Play.

At kung papipillin siya kung sino ang gusto niyang maka-loveteam, “Mas gusto ko si Cassy. Nagagandahan kasi ako sa kanya at ang bait- bait niya.

“Alam po ni Tita Carmina dahil tina-tag siya ng fans sa post,” pagtatapos ni Darren.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …