Friday , November 15 2024

All-out offensive vs BIFF inilunsad ng AFP

BIFFNAGLUNSAD na ng all-out offensive ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kontra sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Kinompirma ni Lt. Col. Harold Cabunoc, hepe ng Public Information Office (PIO) ng AFP, iniutos ito ni Gen. Gregorio Pio Catapang, chief of staff ng AFP, sa Western Mindanao Command (WestMinCom)

“It had already started a few days ago after the BIFF attacked innocent civilians in (Barangay) Kabasalan and also nearby villages,” ani Cabunoc.

Paliwanag ni Cabunoc, kapag all-out offensive ay highly mobile sila at patuloy ang operasyon laban sa rebeldeng grupo habang pinoprotektahan ang apektadong mga komunidad.

“Right now, our forces are also coordinating with different local government officials to protect the displaced persons who are now taking shelter in evacuation centers in Pagalungan town also in Pikit town.”

Batay sa pinakahuling report na nakuha nito, apektado ang nasa 20,000 hanggang 25,000 indibidwal dahil sa mga atake ng BIFF.

Inutusan na rin aniya ni Catapang ang mga unit commander na suportahan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga lokal na pamahalaan para sa humanitarian assistance.

Ngunit giit ni Cabunoc na “this has nothing to do with Mamasapano.”

Ikinanlong ng BIFF si Usman — AFP

NAKATANGGAP ng impormasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na kinanlong ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang international terrorist na si Basit Usman.

“We have received information that [Usman] was coddled by the BIFF before,” ani Lt. Col. Harold Cabunoc ng Public Information Office (PIO).

Ngunit hindi aniya ito nangangahulugang hanggang ngayon ay nasa BIFF pa rin si Usman.

Ayon kay Cabunoc, ang paglulunsad nila ng all-out offensive sa BIFF ay hindi partikular na kaugnay sa target na terorista.

Patuloy ang paghahanap ng militar at PNP sa terorista.

“The BIFF had been coddling Usman for many months now and we are calling on the people to help us locate Basit Usman’s cohorts and also in locating these BIFF members who are continuously using armed violence to attack innocent civilians and communities.”

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *