Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktor, sobrang pinasasaan ang Ingleserang aktres

00 blind itemni Ronnie Carrasco III

SUMUSUMPA ang isang beteranong kasama sa panulat na posibleng kapani-paniwala ang paratang sa isang aktor na sangkot sa isang maselang domestic issue.

Tandang-tanda raw kasi niya nang minsang mabulabog ang isang publikasyong kanyang pinagsusulatan, circa 90s ‘yon, nang humahangos na humihingi ng saklolo ang noo’y live-in actress-girlfriend ng aktor na ‘yon umagang-umaga.

Nakapantulog daw ang aktres at walang sapin sa pang nagtatatakbo raw ito sa publikasyong ‘di kalayuan sa kanilang love nest.

Nang usisain daw ng aming source kung ano ang nangyari, sagot ng tumakas ng noo’y sikat na aktres sa wikang Ingles, “Hay, if you only knew.” Kilala kasing Inglisera ang hitad, lalo’t samo’tsaring dugong banyaga pa ang dumadaloy sa kanyang mga ugat.

When she was finally calmed down, doon na ikinuwento ng namamayat na aktres ang mala-ordeal na karaniwan niyang sinasapit sa kamay ng kanyang dyowang aktor, “He never gets tired of ‘using’ me. Even if I refused anymore, he’d force himself on me!”

Sa ngayon, may sarili ng buhay ang aktres na ‘yon, na buti na lang ay matagal nang nahiwalay sa manyakis na dyowa niyang aktor na itago na lang natin sa alyas na Sarsi Montenegro.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …