TILA hindi komporme si Candy Pangilinan sa gustong ipakahulugan na may issue silang apat nina Ate Gay, Gladys, at Ruffa Mae Quinto sa billing ng show nilang 4 Da Best + 1 na gaganapin sa March 13 & 14, Music Museum, 8:00 p.m..
May kumukuwestiyon kasi kung paano raw ginawa ang billing ng apat? Idinaan daw ba ito sa seniority o pagalingan? Ang dapat daw kasing billing ay Candy, Gladys, Ate Gay and Ruffa Mae at hindi Candy, Ate Gay, Gladys, and Rufa Mae. Okey na raw ‘yung kay Rufa Mae dahil may and, samantalang dapat daw ay nauna si Gladys kay Ate Gay.
Anyway, ayaw nang patulan ng apat ang ipinupukol na intriga basta ang mahalaga sa kanila ay ang makapagpasaya sa March 13 at 14.
Ayon kay Mamu Andrew De Real, director ng show, tiyak na masisiyahan ang sinumang manonood ng show nila dahil punumpuno ito ng katatawanan at magandang musika.
Sa totoo lang, hindi na namin mabilang kung pang-ilang 4 Da Best +1 concert na itong magaganap sa March 13 at 14. Mga artista o singer lang ang napapalitan. Pero ang show, tuloy-tuloy na tinatangkilik.
At bilang patunay, bukod sa Music Museum, dadalhin pa ang 4 Da Best +1 sa ilang probinsiya at sa abroad.
Kaya kung gusto ninyong sumaya, watch na ng 4 Da Best + 1 sa Music Museum. Ito’y mula sa musical direction ni Soc Mina. Tickets prices—VIP P2,500, Patron P2,000, Balcony P1,500.
ni Maricris Valdez Nicasio