Wednesday , January 1 2025

Relayed info sa Mamasapano ‘di totoo — PNoy

TINAWAG na kasinungalingan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang mga natanggap niyang impormasyon noong mismong araw ng bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao.

Ito ang ibinahagi ng Pangulo nang biglaan niyang pulungin sa Malacañang ang mga lider ng Kamara nitong Lunes ukol sa Bangsamoro Basic Law at Mamasapano incident.

020315 PNP SAF Le Tour de FilipinasKabilang sa mga nasa pulong sina Ad Hoc Committee on the BBL Chair Rep. Rufus Rodriguez at Antipolo Rep. Romeo Acop.

Sa panayam ng ANC, sinabi ni Acop na, “I even asked him the question, or stated that it seems the Presidency has been fed inaccurate informations in so far as the situation there in the Mamasapano and the President said, ‘I think they were not just inaccurate, … I think they were lies.’ That’s what the President answered me.”

Naniniwala si Acop na kung hindi naabisohan o hindi totoo ang impormasyon sa commander in chief, hindi siya makapagdedesisyon nang tama.

Ito rin ang tono ni Rodriguez nang ibahagi ang napag-usapan.

“It was very clear that the President was not only misled, he was lied to, that was his word, he was lied to by Gen. Purisima because the texts of Purisima says the support of artillery of the mechanized brigade has alredy started, that there was already support in that encounter.”

Matatandaan, isiniwalat ni dating PNP Chief Alan Purisima sa Senado nitong Lunes ang naging palitan nila ng text messages ni Aquino kaya lumitaw na alam ng Pangulo ang enkwentro maaga pa lamang ng Enero 25 dahil maya’t maya ang naging pag-update sa kanya ng dating PNP chief. 

Nang makausap ang Pangulo, sinabi nina Acop at Rodriguez na sinagot ni Aquino ang lahat ng kanilang tanong at kontento sila sa paliwanag ng punong ehekutibo.

Tiniyak umano ni Aquino na kakasuhan ang mga dapat managot sa batas oras na maisapinal ng DoJ ang imbestigasyon. 

Anila, ang naging sagot ng Pangulo, kung hindi isuko ng MILF ang mga aakusahan, aarestohin sila.

Aquino ‘di nagsisisi sa pagtatalaga kay Purisima (Sa Oplan Exodus)

WALANG nararamdamang pagsisisi si Pangulong Benigno Aquino III na ipinagkatiwala niya kay resigned PNP chief Director General Alan Purisima ang Oplan Exodus na nagresulta sa pagkamatay ng 44 commandos ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Ito’y kahit na lumitaw sa pagsisiyasat ng Senado na may pagkukulang si Purisima sa naganap na madugong operasyon.

Ayon kay Communications Secretary Herminio  Coloma Jr., wala siyang nakita o pahiwatig na may pagsisisi ang Pangulo nang pagtiwalaan si Purisima sa Oplan Exodus na target ang international terrorist na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan.

“Wala naman akong narinig o nakita na pagpapahiwatig sa kanyang—pagpapahiwatig niya regarding any regret.” Ang nasaksihan ko lang nitong nakaraang halos isang buwan ay ‘yung  determinasyon ng Pangulo na mabatid ‘yung buong katotohanan para maging ganap ‘yung kanyang pag-unawa at maging gabay din ito for future actions,” tugon niya nang tanungin kung pinagsisihan ba ng Pangulo na ipinaubaya niya ang Mamasapano operation sa noo’y suspended PNP chief.

Sinabi ni Coloma, magiging gabay rin ng Pangulong Aquino sa mga susunod na aksiyon ang magiging resulta ng imbestigayson ng Board of Inquiry hinggil sa malagim na Mamasapano incident.

Rose Novenario

Giit na pagsibak kina Deles at Ferrer ibinasura ni PNoy

IBINASURA ng Malacañang ang panawagan ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano kay Pangulong Bengino “Noynoy” Aquino III na sibakin sina Peace Adviser Teresita “Ging” Deles at government chief negotiator Miriam Coronel-Ferrer.

Katwiran ni Cayetano, nagsisilbing tagapagsalita ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sina Deles at Ferrer imbes kinatawan ng gobyerno.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, walang basehan ang nasabing panawagan ni Cayetano.

Ayon kay Coloma, ginagampanan nina Deles at Ferrer ang tungkulin sang-ayon sa gabay ni Pangulong Aquino.

Malaki aniya ang ambag nina Deles at Ferrer kaya malayo na ang narating ng usapang pangkapayapaan.

“Ginagampanan nila ang kanilang tungkulin ayon sa gabay ng Pangulo. Malaki ang partisipasyon nila sa malayong narating na ng prosesong pangkapayapaan,” ani Coloma.

Rose Novenario

American soldiers kasama sa Oplan Exodus — PNP official

NANINDIGAN ang isang police official na nag-monitor ang anim sundalong Amerikano sa isinagawang “Oplan Exodus” sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 miyembro ng elite force ng PNP.

Ayon kay Supt. Michael John Catindig Mangahis, ang  Americans ay kasama ni Philippine National Police (PNP) Special Action Force chief Director Getulio Napeñas sa kanyang tactical command post (TCP) kasama ang iba pang senior SAF officers.

Si Mangahis ang namahala sa pag-monitor sa kilos ng walong SAF teams mula Zamboanga City at iba pang bahagi ng Mindanao patungong Maguindanao noong gabi ng Enero 24 hanggang Enero 25.

Sa sworn statement na kinuha ng PNP investigator, sinabi ni Mangahis, nasa loob siya ng SAF TCP headquarters ng SAF unit sa Shariff Aguak noong gabi na ipinatupad ang operasyon.

Dito raw nakita ni Mangahis sina Napeñas, SAF chief deputy Supt. Noli Taliño, Supt. Richard dela Rosa, Supt. Abraham Abayari, Senior Insp. Lyndon Espe, Police Officer 2 Belmes at anim na American nationals.

Gayonman, hindi niya nakilala ang mga Amerikanong sundalo.

Aniya, nakita rin niya ang mga Amerikano sa sumunod na araw dahil sila ang naging piloto ng helicopter na tumulong sa evacuation ng mga sugatang pulis.

Pagtitibayin ng kanyang testimonya ang mga lumabas na ulat na tumulong ang US military officers sa operasyon na ikinasa ng SAF para hulihin ang international terrorist na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan sa teritoryo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ang breakaway faction na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Niño Aclan/Cynthia Martin

Buong simbahan hinikayat ng CBCP na magdasal para sa kapayapaan

HINIKAYAT ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga obispo at pari sa buong bansa na mag-alay ng panalangin para sa kapayapaan.

Batay sa inilabas na circular letter, hiniling ng arsobispo ang pag-usal ng Oratio Imperata for Peace simula sa Marso 1 hanggang ika-28 sa harap ng banta ng kaguluhan at terorismo sa bansa makaraan ang Mamasapano tragedy.

“The situation of the country and the world right now calls on all of us to turn to the Lord in humble supplication and gather our people to pray. As the nation continues to grieve over the tragedy in Mamasapano and the family of nations is threatened by war and terror from extremist groups, our best contribution to the nation and to the world is to encourage people to pray,” ani Villegas.

Tanging panalangin aniya ang maitutugon at maitutulong ng Simbahang Katolika sa kasalukuyan upang magkaroon ng kaayusan at pagkakaunawaan sa buong bansa.

Umaasa ang Arsobispo na mapapawi ng dasal ang takot ng mga sibilyang apektado ng kaguluhan at mapapaglubag ang kalooban ng mga tao o grupong kumakalaban sa kapayapaan.

Babala ni De Lima pinalagan ng arsobispo

PINALAGAN ni Batangas Archbishop Ramon Arguelles ng National Transformation Council (NTC), ang babala ni Justice Secretary Leila De Lima.

“Baka gusto lang ni Secretary kami’y tumahimik,” tanong ni Arguelles.

Matatandaan, nagbabala ang kalihim sa harap ng sinasabing nilulutong rebelyon ng NTC laban sa administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa pamamagitan ng pag-”instigate or foment a military-backed people power uprising, or an EDSA 3.”

Babala ni De Lima, ang conspiracy, ano mang tangkang rebelyon o kudeta ay labag sa batas.

Paglilinaw ng arsobispo: “Hindi naman po ito laban lang sa pangulo kundi sa sistema po mismo.”

About hataw tabloid

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Sen. Padilla, global experts push medical cannabis for cancer pain management

LEADING global cannabis expert Dr. Shiksha Gallow joined Senator Robinhood “Robin” Padilla in pushing for …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Honey Lacuna Yul Servo Nieto MMFF Manila

Mayor Honey, VM Yul nanawagan sa publiko na tangkilikin ang MMFF

NANAWAGAN sina Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo sa publiko na tangkilikin ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *