Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piskal ng Vizcaya nag-suicide?

112514 deadCAUAYAN CITY, Isabela – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa Solano, Nueva Vizcaya sa pagkamatay ni Fiscal Samuel Dacayo na namatay makaraan isugod sa ospital dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo.

Hindi pa mabatid kung ano ang tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay dahil sa sinasabing siya ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo habang unang napaulat na siya ay binaril ng isang suspek pagdating sa kanilang bahay kamakalawa upang mananghalian.

Si Prosecutor Dacayo, nakatalaga sa Nueva Vizcaya Provincial Prosecutor’s Office, ay pinsan ni Mayor Philip Dacayo ng Solano, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Chief Insp. Chivalier Iringan, information officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), hindi pa sila makapagbigay ng pahayag kung nagpakamatay o may bumaril kay Atty. Dacayo dahil hinihintay pa nila ang resulta ng paraffin test sa kanya, sa kanyang kapatid at ilan pang kasama sa kanilang bahay sa Brgy. Roxas, bayan ng Solano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …