Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Petisyon vs mayor ng Puerto Princesa may lagda ng patay

mayor bayronNABUNYAG na lumagda pati ang mga patay nang botante sa petisyon para sa recall election na isinampa ni Alroben Goh laban kay Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron.

Ito ang sinabi kahapon ng abogada ni Bayron na si Atty. Jean Lou Aguilar na nagsuspetsa matapos maraming botante ang nagreklamo na pineke ang kanilang mga lagda sa petisyong isinampa ni Goh sa Comelec.

“Ang pinakahuling pangyayaring ito ay nagpatunay sa alegasyon na ang recall petition ay isang kalokohan at walang popular na suporta ng mga tao,” ani Aguilar. 

Nilinaw din ni Aguilar na ibinunyag ng nagmamalasakit na mamamayan na naglalaman ang petisyon ng mahigit 7,000 pinalsipikang lagda at mahigit 7,000 doble-dobleng pangalan kaya kataka-takang nakalusot ito sa Comelec.

“Kung hindi pa sapat ang pinalsipikang mga lagda at doble-dobleng pangalan sa petisyon, natuklasan din sa tulong ng concerned citizens, na may lagda ng mga namatay nang botante sa petisyon,” diin ni Aguilar. “Sa huling natuklasan, lalong tumindi ang kalokohan sa madayang recall petition na ito.”

Sinabi ni Aguilar na ang lagda ng mga patay na botante bukod pa sa libo-libong mga pekeng lagda ay malinaw na nagpapatunay na ilegal at walang kredibilidad ang petisyon ni Goh.

Bunga nito, nanawagan si Aguilar sa taga-Puerto Princesa na huwag pahintulutan ang kalokohang recall election para lamang mapalitan ang repormistang politiko na si Bayron.

“Nananawagan ako sa mabuting mamamayan ng Puerto Princesa na tanggihan ang recall election na ginagawang kalokohan ang lehitimong demokratikong proseso na gagastusan ng sambayanang Pilipino,” dagdag ni Aguilar.

“Bigyan natin si Mayor Bayron na patunayan na karapat-dapat siya dahil malapit na naman ang halalan sa 2016.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …