Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P10-M para sa 4Ps muntik matangay sa CamNorte

4PsMUNTIK nang matangay ang halos P10 milyong cash makaraan holdapin ang manager ng rural bank sa Sta. Elena, Camarines Norte kamakalawa.

Para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nasabing pera na bitbit ni Agapito Sale, manager ng Rural Bank of Sta. Elena, at anak na si Alfere, loan officer sa banko.

Ayon kay Chief Insp. Juancho Ibis, hepe ng Sta. Elena Police, pabalik na sa Sta. Elena ang mag-ama sakay ng Starex van makaraan mag-withdraw sa Landbank branch sa bayan ng Labo, nang harangin ng apat na mga suspek sakay ng puting Mitsubishi L300 van (TXT 198).

Pinaputukan ng isa sa mga suspek ang unahan ng van ngunit mabilis na nakaatras ang driver ng Starex at nakalabas ng sasakyan ang mag-ama patungo sa maburol na bahagi saka humingi ng saklolo sa mga residente.

Dahil dito, napilitang tumakas ang mga suspek.

Narekober ng mga nakakitang istambay ang naiwang pera ng mag-ama at inilagay sa ligtas na lugar habang natunton ng mga pulis ang L300 van na inabandona ng mga suspek sa Brgy. Bulala.

Habang isang Santiago Calaur na taga-Lopez, Quezon ang nagtungo sa estasyon ng pulisya sa Sta. Elena para ireport na nakarnap ang kanyang L300 van.

Ngunit positibo si-yang kinilala ng ilang testigo na siyang nagmamaneho ng van nang mangyari ang tangkang panghoholdap.

Nakakulong na sa Sta. Elena Police Station si Calaur.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …