ni Ambet Nabus
SA wakas ay nagbigay ng kanyang pahayag ang amigo nating si Buboy aka Cesar Montano hinggil sa kontrobersiyal at ma-eskandalong akusasyon sa kanya ng estranged wife na si Sunshine Cruz.
Maganda at maayos ang sinabi ng aktor-direktor hinggil sa kontrobersiya at napakadisente ng pakiusap nito sa dating asawa na kung mayroon man nga silang sigalot na dapat na ayusin ay gawin nila ‘yun ng sila lang at sa tamang venue and never ever drag their daughters. At kung ang property nga ng aktor-direktor ang gusto nito, binigyan na niya ng kaukulang legal na karapatan thru his attorney ang aktres para mapunta ito sa kanya.
Here’s still praying and wishing them both na sooner than later ay mauwi sa mas diplomasyang paraan ang lahat at tama ang pakiusap ni Buboy na huwag nang isali pa at idamay ang mga anak nila!