MULI tayong dadalhin ng tinaguriang Pop Diva na si Kuh Ledesma sa nakaraan sa pamamagitan ng kanyang kanyang konsiyerto, ang The Music of the Heart, The Magic of Love sa Marso 17, 8:00 p.m., sa Solaire Ballroom.
Makakasama ni Kuh ang mga dating kasamahan sa Music & Magic na sina Jet Montelibano, Fe Delos Reyes, Eva Caparas, Toto Gentica, Hector Pedero, Butch Elizalde, at Nonoy Mendoza gayundin ang rin ang mga nagmula sa ikalawang henerasyong sina Bobby Taylo, Vicky Sevilla-Pangilinan, at Jeannette Casuga-Trevias.
Nagkasama-samang muli ang grupo last year sa concert noong Oktubre na nasundan noong Pebrero sa Music Museum.
Pinangunahan iyon ni Kuh sa pagbibigay ng mga awiting klasiko tulad ng When I Fall in Love, The Nearness of You, at All the Things You Are, pagkatapos ay sinundan ng mga sariling awitin na Till I Met You. Kalaunan, sinamahan siya ng kanyang mga ka-banda na nagbigay ng nakagigising na pagtatanghal ng mga awitin na nagpasikat sa banda noong panahon ng 80’s, tulad ng If My Friends Could See Me Now, How Deep Is Your Love, I Can’t Help Myself (Sugar Pie, Honey Bunch), I’ll Be There, Ain’t No Mountain High Enough, Sweet Inspiration, at ang Broadway hit na, Don’t Cry For Me Argentina.
Pinatunayan na karapat-dapat siyang taguriang Pop Diva sa loob ng 30 taon. Inawit n’ya rin ang mga contemporary pop hits ng malinis at maganda, na ikinamangha ng mga manonood. Inawit n’ya rin ang mga tugtugin na popular ngayon sa mga estasyon ng radio, tulad ng All of Me ni John Legend. May isang fan na hindi napigilang magkomento na: “Napakasarap sa pakiramdam na marinig si Kuh na kantahin ‘yun ng sarili n’yang rendisyon. ‘Yung makabagbag-damdamin at makatotohanang rendisyon niya na nagbigay sa amin ng kakaibang kilig at kilabot.”
Habang ginaganap ang pagtatanghal sa Solaire, si Kuh at ang Music & Magic ay sinamahan ng isang classical singer na si Jack Salud na nagbigay ng kakaibang pagtatanghal. Ang mang-aawit at visual artist na si Jack ay nominado sa Aliw Award bilang Best Male Classical Performer ng taong 2014. Si Jack ay nag-aral ng classical singing sa pagpatnubay ni UP Professor Emmanuel. Siya rin ay sumailalim sa pagsasanay sa pag-awit sa pamumuno ng isang New York-based opera soprano na si Evelyn Mandac. Matapos nito, itinuon ni Jack ang pag-awit sa entablado, at nagkaroon ng magandang pangalan sa kanyang pag ganap sa mga produksiyon tulad ng Little Women, Taming The Shrew, Man of La Mancha, I Love My Wife, The Emperor’s New Clothes, at Zorba kasama ang Repertory Philippines.
Hindi naging hadlang ang pagiging mang-aawit ng klasiko ni Jack nang umakyat sa entablado para umawit ng pop songs. Inawit nila ang The Prayer, Ikaw, at Endless Love. Binigyan din si Jack ng pagkakataong kumanta ng solo, inawit n’ya ang Nessum Dorma mula sa opera na Turandot na orihinal na kinanta ng pumanaw na si Luciano Pavarotti.
At dahil naging matagumpay ang nasabing konsiyerto, magkakaroon ito ng repeat sa ikatlong pagkakataon, sa Marso 7, 2015. Gaganapin ito sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino, kasama ni Kuh ang Music & Magic at si Jack.
Para sa mga nais magtanong ng tickets, at iba pang detalye, tumawag lamang sa telepono bilang 531-0688 o 0917-8139065/62.