Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, may tulong para kay Jamich; ‘di pa raw makadalaw dahil sa rami ng schedule

022415 kris aquino jam vice

00 fact sheet reggeeHINDI raw sadyang hindi puntahan ni Kris Aquino si Jam Sebastian, ang lung cancer patient na nakilala bilang Jamich sa Youtube kasama ang girlfriend niya.

Nabalitaan daw ni Kris na hinihintay siya ni Jam kasama ang kaibigang si Vice Ganda base na rin sa kahilingan ng ina nitong si Mrs. Maricar Sebastian.

Si Vice lang ang nakadalaw kay Jam kamakailan dahil si Kris ay super busy ng panahong iyon.

Inamin naman ng Queen of All Media na sabay dapat sila ni Vice, “actually, Reggs, supposedly sabay kami ni Vice, pero on that week, I have 6 TVC to shoot and the following day, it’s Chowking naman, so kinuha ng Chowking ang ilang araw and the following day ‘yun naman ‘yung may party sa bahay at kinabukasan ay paalis na kami for Japan for my birthday week vacation.”

Bukod daw sa TVC shoots ay nag-a-advance taping pa siya ng Kris TV dahil nga isang buong linggo siyang mawawala at ngayong dumating na ang TV host ay sunod-sunod naman ang tapings niya, “like now, nandito ako sa tapings ng ‘Kris TV’ at iba pang personal appearances this week.”

Tulad kahapon, Martes ay may Nescafe shoot, Niceprint shoot para sa website niya at kinagabihan ay live episode naman ng Aquino & Abunda Tonight.

Ngayong araw ay may personal lakad din si Kris at live ulit sa AA at bukas ay kasama siya sa sasalubong sa French President at Kris TV taping kasama na ang AA at sa Biyernes ay may Chowking event para sa National Sales Convention, sa Sabado at Linggo ay may event uli bukod pa sa live episode ng The Buzz.

Nabanggit naman ng kampo ni Kris na may inihahandang tulong daw ang TV host para kay Jam at sana raw ay maintindihan ng mommy nitong si Gng. Maricar kung hindi pa siya nakakadalaw.

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …