Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ehra Madrigal, nagbabalik-showbiz


022515 ehra madrigal

00 Alam mo na NonieNAGBABALIK-showbiz ang sexy actress na si Ehra Madrigal. Mula sa pangangalaga ni Annabelle Rama, si Ehra ngayon ay under na ng Viva Artist Agency.

“I signed a four year contract with them,’ pani-mulang pahayag sa amin ni Ehra.

Sinabi rin niyang sa ngayon ay sa TV guestings muna siya magko-concentrate. May mga pla-no raw para sa kanya ang Viva, pero hindi pa ito plantsado.

Pati sa mga TV network, sa ngayon ay freelancer si Ehra. “I’m a freelance so far, so, puwede na akong lumabas sa ABS CBN, TV5 or GMA-7.”

Kung puwede si-yang mamili ng TV network, saan niya gustong magtrabaho?

“Well, I’ve been with GMA-7, siyempre it’s fun to explore lalo na ngayon with new management. I wanna try to work with other artists also.

“Puwede rin siyempre sa ABS or TV5. Sa ABS kasi, ne-ver ko pang nata-try, e. Sa TV5 after doing Indio, nag-guest ako with them. So ayun, sa Dos if given a chance, I would love to work with ABS also.”

Pero, naniniwala rin si Ehra na mas challenging kung sa Kapamilya Network siya magkakaroon ng project sa ngayon.

“Yeah oo, kasi galing din naman ako sa GMA e. So, oo nga exciting rin and challenging if I work sa ABS CBN. ‘Tsaka iyong mga napapanood ko rin before sa TV, ‘yung mga hindi ko pa rin nga naka-ktrabaho roon, so exci-ting ‘yun kung makakatrabaho ko sila, kung mabibigyan ako ng chance.”

Kabilang daw sa gusto niyang makatrabaho sa Dos sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Angel Locsin, Toni Gonzaga, at iba pa.

Nabanggit din ni Ehra na gusto niyang subukan ang ma-ging kontrabida at sumabak sa pagko-comedy.

“Well, I wanna try siguro, puwedeng sa drama or comedy. Kasi before for the past ten years, alam nila na I’m doing sexy roles lang. But siyempre, I’m not getting any younger. Kumbaga, give it to the young ones na lang.

“Ngayon, parang I wanna establish myself as a character actress or kung my role na, you know, something that’s out of the box. Para hindi naman ‘yung tipikal na lagi nilang nakikita, para may bago ka ring io-offer sa audience mo,” nakangitng saad pa ni Ehra.

MOJACK PEREZ, HUMAHATAW SA KALIWA’T KANANG SHOWS

MASAYA ang versatile comedian/singer na si Mojack Perez sa sunod-sunod na mga trabahong dumarating sa kanya ngayon.

Kamakailan ay nag-show siya sa San Marcelino, Zambales with Katya Santos, Ritz Azul at Ray Valera.

“Happy akong makasama sina Katya, Ritz, and The Icon, The Singer, The Songwriter and The Hit Maker na si Mr. Rey Valera. Na-invite kami ni Mayor Jose Fernandez and Mr. Toni Marfuri. Plus, nagpapasalamat din ako kay Kuya Chad, our booking agent,” masayang saad sa amin ni Mojack.

“But before sa Zambales, I perform first in Baliuag Bulacan Gym para sa Red Ladies and Red Boys first year anniversary. Then fly to Zambales, then after that ay fly to Meycuayan, Bulacan to perform for the balikbayan people from the States.

“May nag-celebrate kasi ng 74th Birthday at Alissandra Garden, si Daddy Cesar, kaya nagpapasalamat po kami kay Mr. Atienza and Mr. Villarica for bringing me there.”

Nabanggit din ni Mojack na may upcoming show siya sa Tarlac at Cavite. Tapos daw nito ay sa Dubai at Bahrain naman siya raraket.

“Kaya thanks po to Erik P. and OFWs for inviting me at sa Lord, dahil hindi Niya ako pinababayaan,” nakangiting saad pa ni Mojack.

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …