Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby snatcher kinasuhan ng kidnapping  

baby snatcherKASONG kidnapping ang isinampa sa Taguig City Prosecutors Office kahapon sa babaeng nagnakaw sa isang bagong silang na sanggol sa isang ospital kamakailan.

Ayon kay Chief Inspector Benito Basilio, hepe ng Criminal Investigation Division, sinampahan nila ng kasong kidnapping ang suspek na si Roseman Mañalac, 24-anyos.

Si Mañalac ang dumukot sa sanggol na si Baby Francis John, anak ng mag-asawang sina Cherry at Johnerel Bacailo noong Pebrero 12, dakong 9:25 p.m. sa Taguig-Pateros District Hospital.

Kamakailan, naaresto si Mañalac sa follow-up operation ng Taguig City Police, dakong 9 p.m. sa kanyang bahay sa Aguahan Dos, Brgy. Bagumbayan, Taguig City.

Ayon sa kuwento ni  Cherry, ilang oras makaraan niyang ipanganak ang sanggol at habang katabi niya sa higaan, isang babaeng nagpakilalang taga-social welfare office ang lumapit sa kanya.

Naka-ID ang babae at nagpakilalang siya ay si Ms. Lily at maayos na nakipag-usap at nagpaliwanag ukol sa mga bagong patakaran ng DSWD ukol sa pagbibigay ng discount.

Umalis ang babae sandali at muling bumalik saka kinuha ang kanyang anak dahil naka-schedule para sa new born screening hanggang tuluyang tinangay ang sanggol.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …