Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex sa Araneta gagawin ang 1st major concert (Tinalo si Toni sa lakas ng loob…)

022515 Alex toni Gonzaga

00 fact sheet reggeeNATULALA kami nang ibalita sa amin na sa Smart Araneta Coliseum gaganapin ang first major concert ni Alex Gonzaga na may titulong The Unexpected Concert at iisa lang ang nasabi namin, “nagkakape ba si Alex? Talaga lang ha?”

At tumatawa rin kaming sinagot ng aming kausap ng, “oo nga, ano ka ba, heto nga may presscon na.”

Ang producer ng unang concert ni Alex ay siya ring producer ng unang concert ni Vice Ganda sa Big Dome na talagang jampacked.

“Kita mo naman, sinugalan si Vice rati, so ganito rin ang mangyayari kay Alex,” katwiran sa amin.

Iba ka talaga Alex Gonzaga dahil daig mo talaga ate Toni Gonzaga mo dahil ang unang major concert nito ay sa Aliw Theater lang ginawa noong 2008 na may titulong Catch Me…Toni Gonzaga at nasundan naman ulit ito at pagkalipas ng tatlong taon (2011) ay at saka lang nakatapak ng Araneta ang future wife ni direk Paul Soriano para sa 10th year anniversary niya at noong nakaraang taon lang din muling nag-concert sa SM MOA naman.

Smooth but surely ang takbo ng career ni Toni samantalang si Alex ay parang rocket ship na biglang taas.

In fairness kering-keri naman ni Alex ang sarili niya, isipin mo Ateng Maricris, nakapaglabas na siya ng libro niya at may kasunod pa, samantalang ang ibang manunulat ay taon ang binilang bago nabuo ang unang librong isinulat nila.

Parang nakikinita na namin kung anong gagawin ni Alex sa The Unexpected Concert niya at kung maraming pasabog si Vice sa shows niya, tiyak ganito rin ang bunsong kapatid ni Toni.

O siya, Alex Gonzaga, goodluck at ikaw lang talaga ang may lakas ng loob na tawagin ang Presidente at Chief Executive Officer ng ABS-CBN na si Ma’am Charo Santos-Concio ng ‘mars’ samantalang halos lahat ay ‘mam Charo’.. Ikaw Na!

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …