SA wakas, nakuha na rin pala nitong immigration official ang pinakaaasam, pinanggigigilan, at pinagnanasaang aktres.
Ayon sa tsika, matagal nang gusto ni immigration official si aktres kaya lamang hindi ito available dahil mayroon pa itong boyfriend noon. Kaya naman nagtyaga na lang sa patingin-tingin at panonood si lalaki kay babae. Very much in-love pa kasi noon ang babae sa isang basketball cager.
Pero, nang magkalabuan na ang aktres at bf nito’y doon na umentra si immigration official. Sobra raw ang naging kasiyahan nito nang finally ay napasakanya na si aktres, meaning girlfriend na niya ito.
Katunayan, sa Palawan daw nag-date ang dalawa noong Valentine. At take note, bigay-hilig ni immigration official ang kagustuhan ni aktres kasi naman medyo mahina ang raket ngayon ni aktres kaya nga lumipat ito ng ibang network sa pag-asang medyo gaganda ang career. Pero sad to say, olat pa rin.
Well, hindi naman masisisi si aktres dahil kailangan din niyang sustentuhan ang kanyang pangangailangan bukod pa sa pangangailangan ng anak niya. (HNT)