Saturday , January 4 2025

PNoy, 8 gabinete ‘nanligaw’ sa House Leaders (Habang nililinis ni Purisima sa Senado)

FRONTMAHIGIT apat na oras kinombinsi  ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga kongresista sa pangunguna ni Speaker Feliciano Belmonte sa Palasyo para ituloy na ang pagdinig sa Kongreso sa panukalang Bangsamoro Basic law (BBL) makaraan suspendihin bunsod ng Fallen 44.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., kasama sa mga tinalakay ng Pangulo sa mga mambabatas ang background ng operasyon para dakpin ang international terrorists na sina Zulkifli Bin hir alyas Marwan at Basit Usman.

Ikinuwento aniya ng Pangulo ang pulong niya kina dating PNP chief Alan Purisima at dating PNP SAF commander Director Getulio Napeñas at mahigpit niyang utos na magsagawa ng koordinasyon sa militar at kay PNP OIC Leonardo Espina, na hindi naman pala sinunod ng dating SAF chief.

Kasabay nang pagsiwalat ni Purisima sa Senado ng text messages nila ng Pangulo noong Enero 25 ay ipinakita rin ng Punong Ehekutibo sa mga kaharap na mambabatas ang nasabing palitan nila ng SMS messages ng noo’y suspended PNP chief.

“He also reiterated his statement during his televised message last February 6 regarding the instances which would have clearly called for the mission to be aborted, but which was not done,” ani Coloma.

Tiniyak umano ng Pangulo sa mga kongresista na nangangalap na ng mga impormasyon at ebidensiya ang DOJ at NBI para masampahan ng kaukulang kaso ang mga pumaslang sa Fallen 44 kasunod nang pahayag ng mga mambabatas na dapat ay mapanagot ang mga pumaslang sa SAF commandos.

“While acknowledging that the enactment of the BBL has been delayed, he emphasized the importance of approving the measure in a timely manner, so as to pave the way for the holding of a plebiscite and if the people will approve the same, to give the members of the Bangsamoro Transitional Authority sufficient time to demonstrate their capabilities,” ani Coloma.

Kabilang sa mga dumalo sa meeting ay sina Rep. Neptali Gonzales II, majority leader;  Rep.  Ronaldo Zamora, minority leader; Rep. Rufus Rodriguez, chairman of the House ad hoc committee on the draft BBL,  Representatives Samuel Pagdilao, Romeo Acop, Leopoldo Bataoil, Gary Alejano, at Ashley Acedillo.

Kaharap din sa pulong ang chairpersons ng House committees na nagsagawa ng hearing noong nakalipas na linggo na sina Rep. Jeffrey Ferrer of the committee on public order and safety, at Rep. Jim Hataman Salliman of the committee on peace, reconciliation and unity.

Kasama ng Pangulo na humarap sa kanila sina Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., Cabinet Secretary Rene Almendras, Budget and Management Secretary Florencio Abad, Chief Presidential Legal Counsel Alfredo Benjamin Caguioa, National Security Adviser Cesar Garcia, Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya, PMS Secretary Julia Abad at Coloma.

PNoy nilinis ni Purisima sa Mamasapano

NILINIS ni resigned Philippine National Police (PNP) chief, Director General Alan Purisima si Pangulong Benigno Aquino sa pananagutan sa Mamasapano incident na ikinamatay ng 44 miyembro ng PNP Special Action Force (SAF).

Kinompirma ni Purisima, sa simula pa lamang ng pagpaplano sa pagdakip kay Indonesian international terrorist Marwan at kay local terrorist Bacsit, sinabihan na siya ni Aquino na makipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ngunit hindi niya ginawa bagkus nakipag-uganayan lamang siya sa pamamagitan ng text sa mismong ‘time on target’ o habang isinasagawa na ang operasyon sa pagdakip sa dalawa.

Inamin ni Purisima na siya lamang ang nagbibigay ng update kay Aquino sa lahat ng mga nangyayari sa ground at hindi ang ground commander na si dating SAF Chief Getulio Napenas ang nakikipag-ugnayan sa Pangulo.

Aminado si Purisima na personal silang nagpulong nina Aquino at Napenas sa mga pagplano ukol sa naturang operasyon at muli silang pinaalalahanan ng Pangulo na makipag-ugnayan sa mga ahensiyang mayroong kaugnayan sa operasyon.

Ngunit muli siyang naninidigan na hindi sila nakipag-ugnayan sa AFP, saka ibinato ang lahat ng sisi kay Napenas at idiniing hindi siya nakialam sa operasyon kundi nagbigay lamang ng payo.

Niño Aclan

Direktiba ipinadaan ni PNoy kay Purisima (Sa Mamasapano ops)

IWAS-PUSOY ang Palasyo sa isyu na ipinadaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang mga direktiba kay suspended PNP chief Director General Alan Purisima habang nagaganap ang Mamasapano operations hanggang matapos ito.

“I wouldn’t know that. Let me just… As far as the… You can only… My answer would be based on the testimonies of Napeñas and General Purisima. Sorry, I have no personal information on that,” sabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Ang pahayag ni Lacierda ay kasunod nang pagsisiwalat ni Purisima sa Senado kahapon hinggil sa palitan nila ng text messages ni Pangulong Aquino mula 5:45 a.m. hanggang 6:20 p.m. noong Enero 25 o noong araw na mapatay ang 44 miyembro ng PNP-SAF nang makipagbakbakan sa pinagsanib na puwersa ng MILF at BIFF sa Mamasapano, Maguindanao.

Muling sinisi ni Lacierda si dating SAF chief Director Getulio Napeñas sa naging madugong law enforcement operation ng SAF dahil sa hindi pagsasagawa ng coordination sa militar sa kabila aniya ng utos ng Pangulo.

Ngunit desidido pa rin aniya ang Malacañang sa pagsusulong na maaprubahan ang Bangsamoro Basic law (BBL) bago matapos ang administrasyong Aquino sa 2016.

Rose Novenario

Executive hearing hiling ng AFP sa Mamasapano senate hearing

HUMILING ng executive session ang Armed Forces of the Philippines (AFP) nang sa gayon ay maipaliwanag ng ground commanders ang kanilang mga nalalaman.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang Jr., sa pamamagitan ng executive session malayang makapagsasalita ang kanyang commanders na nasa ground.  

Sinabi ni Catapang, apektado na ang militar dahil sila ang sinisisi kaugnay sa pagkamatay ng 44 miyembro ng PNP-SAF. 

“Ito ay mahalaga para malaya silang makapagsalita sa kadahilanang ang kanilang mga ipapahayag ay maaaring may implikasyon sa capabilites, strength, at kahinaan ng ating Armed Forces,” wika ni Catapang.

Sa pagpapatuloy ng Senate hearing kahapon kaugnay sa Mamasapano operation, muling iginiit ni Catapang na walang ginawang koordinasyon ang PNP kaugnay sa operasyon ng Oplan Exodus na target ang most wanted terrorist sa Asya na si Zulkifli Bin Hir alias Marwan.  

Niño Aclan/Cynthia Martin

Misinformation ginagawa nina Ferrer, Deles

INAKUSAHAN ni Senate Majority Leader Sen. Alan Peter Cayetano sina government chief negotiator Miriam Coronel-Ferrer at Peace Adviser Ging Deles nang pagsasagawa ng ‘misinformation’ hinggil sa peace agreement sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sinabi ni Cayetano, pawang magagandang nilalaman lamang ng agreement ang inilalabas nina Ferrer at Deles ngunit hindi sinasabi ang ‘disadvatages.’

Ayon kay Cayetano, kabilang dito ang police force sa Bangsamoro na pangangasiwaan ng MILF at suporta na lamang ang PNP.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

QCPD Gera vs bawal na paputok

Gera vs bawal na paputok, ipatutupad ng QCPD para  sa ligtas na Bagong Taon

MAHIGPIT na ipatutupad ng Quezon City Police District (QCPD), sa pangunguna ni Acting District Director …

Sa Bulacan KOMPISKADONG ILEGAL NA PAPUTOK AT PYROTECHNIC DEVICES ITINAPON

Sa Bulacan  
KOMPISKADONG ILEGAL NA PAPUTOK AT PYROTECHNIC DEVICES ITINAPON

SA PAGSISIKAP na matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang ilegal na paggamit ng …

Chavit Singson e-jeep

Inilunsad na e-jeep ni Manong Chavit pinakamura sa merkado

ISINAPUBLIKO na ni dating Ilocos Sur Governor at businessman Luis “Manong Chavit” Singson ang bersiyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *