Tuesday , January 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pemberton tumangging magpasok ng plea (Sa murder vs Laude)

122214 pembertonTUMANGGI si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na magpasok ng ano mang plea sa kinakaharap na kasong murder kaugnay ng pagkamatay ng transgender na si Jennifer Laude.

Sa kanyang arraignment nitong Lunes ng umaga sa Olongapo Regional Trial Court (RTC), ang korte na ang nagpasok ng “not guilty” plea para sa Amerikanong sundalo.

Nang makapanayam ng media ang kampo ng Pamilya Laude, binanggit ni Atty. Harry Roque na paninindigan nila ang paglilitis laban sa suspek.

“Wala pong areglo, tuloy po ang laban,” ani Roque. 

Habang sinabi ni Atty. Virgie Suarez, legal counsel ng Pamilya Laude, hindi na sinubukan ng kampo ni Pemberton na maghain ng plea dahil marahil ay umaasa pang papanigan ng Korte Suprema.

“He refused to enter a plea dahil nga kukuwestiyonin pa nila sa higher court ‘yung dismissal noong kanilang motion for reconsideration sa DoJ (Department of Justice) that even with that plan of elevating the matter before the Court of Appeals, the trial will proceed.”

Una nang ibinasura ng DoJ ang apela ni Pemberton na gawing homicide ang kasong murder laban sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …

Lunod, Drown

Lalaki nalunod noong bisperas ng Bagong Taon, Katawan natagpuan makalipas ang 2 araw

MATAPOS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang nalunod …

Arrest Posas Handcuff

Murder suspect sa Bulacan tiklo sa Nueva Ecija

NADAKIP ng mga awtoridad sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 3 …

PNP Nartatez P1.5B unregistered tobacco

₱1.5B Smuggling Bust ng PNP, Patunay ng Mas Mahigpit na Pagpapatupad ng Batas

Isang Malaking Operasyon sa Simula ng Taon Hindi nagkataon ang ₱1.5 bilyong pagkakasamsam ng mga …

Goitia BBM WPS China

Goitia: Hindi Kayang Burahin ng mga Kuwento ng Tsina ang Karapatan ng Pilipinas

Lumang Mensahe, Ibinenta Bilang Bago Ang pagtatangkang ipinta ng Tsina ang kontrol nito sa Scarborough …