Monday , December 23 2024

Para manalo kay Mayweather: Ano ang dapat gawin ni Pacman?

ni Tracy Cabrera

010715 floyd pacman

MAAARING isang bayani si Manny Pacquiao rito sa ating bansa, ngunit kahit ang mismong mga fans niya at kasama ay nagsasabing siya ang ‘underdog’ sa pagsagupa kay Floyd Mayweather Jr., sa binansagang megafight ng dalawa sa Las Vegas sa Mayo.

Pabor ang betting odds sa wala pang talong si Mayweather, 38, sa 47 laban. Sa kabilang dako, ang Pambansang Kamao, 36, may 57 panalo at limang talo—kabilang ang dalawa ng nakaraang 2012.

Ang binansagan din na ‘fight of the century’ na dumaan sa ilang taong negosasyon, ang magwawakas sa katanungang sino sa dalawang boksingero ang tunay na ‘pound-for-pound’ king ng kanilang henerasyon.

Ngunit maraming iwawaksing bagahe si Pacman, bukod sa napakarami din niyang tungkulin sa labas ng ring.

“Mas gusto ni Manny na siya ang underdog,” wika ng sports writer na si Winchell Campos, na siyang bumubuo ng talambuhay ng Pinoy champ.

“Mas humuhusay siya sa ganitong uri ng pressure. Nagbibigay ito sa kanya ng extra motivation.”

Malaki na ang kinita ni Pacquiao mula sa pagiging commercial pitchman, at pumasok na rin siya sa telebisyon, pelikula at musika, at ginamit ang kanyang katanyagan bilang boksingero para mahalal bilang kongresista noong 2010.

Nitong nakaraang taon, nag-debut din siya bilang player-coach ng isang professional basketball team.

Lahat ito ay kinakailangang isantabi pansamantala para sa pagharap niya kay Mayweather.

“Ang odds ay kay Mayweather (sa Las Vegas),” pahayag ng business manager ni Pacman na si Eric Pineda.

Ito rin, ani Pineda, ang pinakamabigat na laban ng People’s Champ.

“Pero malaki ang kanyang (Pacquiao) tsansa. Sa lahat ng kanyang laban, nasa back seat ang lahat at nakatuon sa pagsasa-nay,” dagdag nito.

Lilipad tungong Estados Unidos si Pacquiao sa Marso para simulan ang kanyang training, malayo sa ano mang maaaring makagulo sa kanyang paghahanda rito sa Filipinas.

Gayon man, nagbabala si Philippine Olympic Committee spokesman Joey Roma-santa, na “kung pagbabatayan ang fighting style ni Maywea-ther, mahihirapan ang sino mang katunggali para tamaan si Floyd sa bahaging masasaktan siya.”

 

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *