Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagtakas sa piitan itinanggi ni Bong (Kahit may retrato)

111514 bong revillaINIREKLAMO ng prosekusyon sa Sandiganbayan First Division ang sinasabing pag-alis ni Sen. Bong Revilla sa kanyang piitan sa PNP Custodial Center upang dumalo sa birthday celebration ni Sen. Juan Ponce Enrile sa PNP General Hospital.

Ayon kay Office of the Special Prosecutor Dir. Joefferson Toribio, isang “serious violation of the court’s order” ang ginawa ni Revilla na nakunan ng retrato sa ospital kung nasaan nakapiit si Enrile.

Ngunit sagot ng kampo ni Revilla, bagama’t totoong nasa ospital siya noong Pebrero 14, dinala siya roon dahil sa iniindang “cold sweats, stiffness and pain on the back and neck, as well as debilitating migraine.”

Hindi aniya siya pumunta sa kwarto ni Enrile lalo’t 30 minuto lang siya sa ospital.

Tinawag niyang malisyoso, walang basehan at pawang kasinungalin ang paratang ng prosekusyon laban sa kanila.

“The Special Prosecutors have again gone lengths to propagate lies and put me in a bad light,” nakasaad sa statement ng nakapiit na senador.

Gayonman, hindi niya binanggit ang retrato sa kanyang inilabas na pahayag.

Nakabinbin sa korte ang mosyon ng prosekusyon na ilipat sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig si Revilla.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …