Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

OFW mula China pumanaw sa bird flu – DOH

bird fluISANG Filipino mula sa China ang namatay nitong Pebrero 14 dahil sa hinihinalang Avian flu o bird flu.

Sa pahayag na inilabas  nitong Lunes ng hapon, inianunsyo ng Department of Health (DoH) na Pebrero 9 nang dumating sa bansa ang overseas Filipino worker (OFW) na anim taon nang nagtatrabaho sa China.

Nang sumunod na araw, nagkaroon siya ng ubo, lagnat, at pagsama ng tiyan dahilan para komunsulta sa doktor noong Pebrero 11 ngunit lumala pa ang kondisyon at namatay makalipas ang dalawang araw.

Ayon sa DoH, unang pinaghinalaang kaso ng Middle East Respiratory-Corona Virus (MERS-CoV) ang pasyente ngunit kalauna’y ikinonsidera itong kaso ng bird flu bunsod ng travel history ng OFW at pagiging lantad sa poultry doon.

Pinawi ng kagawaran ang pangambang makahawa ang pasyente.

Ayon sa DoH, sakali mang bird flu ang sakit ng biktima, wala nang posibilidad ng transmission dahil pumanaw na ang pasyente.

“Wala po tayong dapat ikabahala. Ngunit kinakailangan pa rin ang maigting na pagbabantay at patuloy na pagpapalaganap ng tamang impormasyon sa ating mga kababa-yan sa mga bansang nagtatala ng kaso ng bird flu or avian influenza,” ani DoH Acting Secretary Janette Garin.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …