ni Roland Lerum
MAYSAKIT na lung cancer stage 4, si Jam Sebastian, kaibigang dancer ni Mark Herras. Hiling lang niya ay dalawin man lang sana siya nina Vice Ganda at Kris Aquino sa ospital.
Nakadalaw na si Vice at napangiti niya si Jam. Si Kris na lang daw sana ang magpakita sa kanyang anak, sabi ng nanay ni Jam na si Maricar S.
Malaki ang magagawa ni Kris sana kung dadalaw man lang siya. Pero ayon sa kampo ng star, wala yata siyang time. Masyado siyang busy.